Naabutan ni Leila si Gerry sa kusina na kusang naghahanda ng mesa. Nandoon na ang dalawang plato, kutsara't tinidor, baso, dalawang coke in can at kasalukuyan na nitong inilalabas ang pagkaing dala nito. Naramdaman nito ang presensiya niya kaya umangat ito ng ulo. Ngumiti ulit ito sa kanya.
"Lika ka na." yaya nito. Naghugas muna ito ng kamay bago dumulog sa mesa.
Lumapit siya dito at umupo sa harap nito. Hindi na ito humingi ng permiso sa kanya. Basta na lang nito nilagyan ng kanin ang plato niya na sa tingin nito ay sapat sa kanya. Pagkuwa'y ang plato naman nito ang nilagyan ng kanin at itinabi ang kubyertos nito sa gilid ng plato nito. Magsisimula na sana itong sumubo nang mapansin nitong hindi man lang siya tumitinag.
"Akala ko ba kakain ka?"
Tumango siya. "Gusto ko lang magsorry. Kung alam ko lang na naghihintay ka—"
"Okay na yun. Huwag mo ng isipan pa." putol nito. "Hindi naman ganun ako ganun katagal naghintay."
"Hindi na matagal ang dalawang oras ngayon, ganun?"
Natawa ito. "Mukhang ang laki ng pag-asa nung Jen na yun sayo ah."
Kumunot ang noo niya. "Bakit mo naman nasabi yan?" hindi niya na pinagkaabalahan bang itama ang pangalang sinabi nito.
"Dalawang beses na kayong nagdedate diba? At nadalaw ka na rin niya dito. Eh diba hanggang isang date ka lang kapag hindi mo gusto ang isang lalaki?"
Mas lalong kumunot ang noo niya. "Pano mo alam?" Walang ibang nakakaalam ng gawain niyang iyon kundi si Aya. Iyon ang dahilan kung bakit sa edad na bente otso, isa pa lang ang ex niya at bente kwatro na siya noon nang magkaroon ng boyfriend.
"Dahil nagtatanong ako sa kapatid mo?"
Tumaas ang isang kilay niya. "Bakit ka naman nagtatanong ng tungkol sa ginagawa ko sa mga nanliligaw sakin?" Hindi siya nagtatanong sa kapatid niya tungkol dito kaya naman kokonti lang ang alam niya. Lahat ng alam niya tungkol dito ay ikinukwento ng kusa ni Aya.
Kumibit ito ng balikat. "Wala lang. Trip ko lang. Bakit, masama ba?"
Bumukas-sara ang bibig niya. Pero napag-isip-isip niyang wala nga namang masama. Anong malay niya kung nabanggit lang iyon ng kapatid niya nang magtanong ng ibang bagay ang lalaki tungkol sa kanya diba?
Minabuti niyang huwag na iyong pahabain pa at sa halip ay ibahin na lang ang usapan. Nakuha ng atensyon niya ang dami ng kanin sa plato nito at ang mabilis nitong pagsubo na para bang may hinahabol na oras. Amuse siyang ngumiti. "Gutom na gutom ka ba?"
Umiling ito. "Hindi naman."
Namilog ang mga mata niya. "Really?"
He chuckled. "Bakit parang gulat na gulat ka?" pagkatapos ay nagpatuloy sa pagkain nito.
"Ngayon ko lang nalaman na ang lakas mo palang kumain."
Muli itong nag-angat ng mukha. And this time ay mga mata naman nito ang pinabilog. "Ngayon mo lang napansin? Matagal na tayong magkakilala at madalas mo na kong nakikita dito."
"K-Kasi—" bumukas-sara ang bibig niya.
"Nasa malapit lang ang lalaking mapapangasawa mo. Madalas mo siyang nakikita Leila."
Hindi niya alam kung saan nanggaling ang boses na iyon. Basta na lang sumulpot sa isip niya ang hula ni Aling Ofelia. Bigla tuloy niya nakalimutan kung anong isasagot sa binata. Parang nanuyo ang lalamunan niya at tumambol ng malakas ang puso niya. At mas lalo pa iyong lumakas nang may mapagtanto pang isang bagay.
BINABASA MO ANG
The Right Mr. G (COMPLETED)
RomanceNOTE: Unedited version po ito. As in literal na copy-paste lang ang ginawa ko from the manuscript i submitted to PHR to here sa Wattpad. Siguradong may mababasa kayong typos, grammatical errors (sure ako dun!) at malamang sa hindi, baka may naligaw...