Chapter 10

15.3K 246 14
                                    

          "Sorry, sorry talaga!" iyon ang paulit-ulit na sambit ni Aya kay Gerry matapos nitong sabihin sa kanya ang nangyayaring pag-uusap sa pagitan nito at ni Leila.

Naikuyom niya ang palad sa sobrang inis. Hindi para sa dalaga kundi sa sarili niya. Kung bakit naman kasi nakipagkompetensiya pa siya. At kung bakit ang tanga-tanga niya para isiping kapag napagtanto ng dalaga na siya ang totoong Mr. G nito ay sasagutin na siya kaagad. Ang bobo mo 'tol! Kutya niya sa sarili. Magpapahayag na lang siya kay Leila, pumalpak pa siya ng todo. Kung bakit naman kasi pagdating sa dalaga, hindi niya alam kung ano ang tamang approach.

"Pero hindi naman talaga siya nagalit. Hindi naman siya nagtalak ng nagtalak. Nanahimik lang siya at pagkatapos ay pinalabas na ko ng kwarto."

Iyon nga ang mas nakakatakot. Pano na lang kaya kung nagpakita siya sa babae? Eh di naibunton nito sa kanya ang lahat ng inis at galit na kagabi pa nito kinikimkim?

Pero wala kang magagawa Gerry. Kailangan mo siyang harapin kung totoong mahal mo siya. Nagawa na ni Aya ang lahat ng kaya nitong gawin, ikaw naman. Anang parte ng isip niya kung saan ay suportado siya.

He was in fact grateful for Aya. Hindi niya hiningi ang tulong nito pero kusa nitong kinausap si Leila. Malamang ay naawa na ito sa kanya. Ilang araw niya ng pilit na hinuhuli si Leila para kausapin at kumbinsihin na wala ng nararamdaman si Aya para sa kanya. Ilang beses niya na itong inabangan sa bahay ng mga ito pero hindi niya matiyempuhan. Minsan niya na rin itong pinuntahan sa hospital pero pinagtaguan lang siya nito. Halos mabaliw na siya sa kakaisip ng paraan. Hindi na siya makatulog at hindi na siya makapagbenta ng mga sasakyan ng maayos dahil sa kakaisip kung papano niya mapapaniwala ang dalaga.

"Nasaan siya ngayon?" tanong niya.

"Nasa hospital. Nakaduty."

Iyon lang ang kailangan niyang marinig at walang paalam na pinatay ang telepono. Kaagad na lumabas siya ng bahay at dumiretso sa kanyang motor. Binuhay ang makina at mabilis na pinaharurot iyon palabas ng gate.

Kung totoong galit nga ang dalaga sa ginawa niya, haharapin niya iyon ng buong tapang. Tutal ay kasalanan niya namang talaga. Ngayong nasabi na ni Aya na hindi na siya nito talaga mahal, wala ng iba pang balakid pa sa kanila. All he needs to do is to ask for her forgiveness and let her realize that he only did that for his love.

"It's now or never, 'tol." Aniya sa sarili. Kailangan niya ng bilisan bago pa man siya ulit maunahan ni Glenn.

Pero ang lahat ng lakas ng loob niya ay biglang natunaw nang sa pagdating niya sa hospital ay makita si Leila na sinasalubong ni Glenn. Nakita pa ng dalawang mata niya kung papano halikan ng binata sa pisngi ang dalaga at alalayan ito papasok ng kotse. Aalis na sana siya pero naisip niyang sundan na lang ang mga ito. Akala niya ay ihahatid lang ng lalaki si Leila sa bahay nito. Kaya ganun na lang ang panibugho na naramdaman niya nang huminto ang mga ito sa tapat ng isang mamahaling restaurant. Hanggang doon lang ang kaya niyang gawin. Minabuti niyang sa bahay na lang hintayin si Leila. Mas mabuti na iyon kaysa naman makita niya pa kung papano alalayan at ipakita ni Glenn ang pagmamahal nito kay Leila. Na buong puso naman yatang tinatanggap ng huli.

Akala niya ay wala ng mas sasakit pa sa nakita niya. Meron pa pala. Dahil mula sa kinatatayuan niya, kitang-kita niya ang lahat na nangyayari sa loob ng sasakyan ni Glenn. Mula sa pagbibigay ng binata ng kung ano sa dalaga, hanggang sa paghawak nito sa pisngi ng dalaga at sa pagyayakapan. Para siyang paulit-ulit na pinapatay habang nakikita ang dalawa. Masyado yatang seryoso ang usapan ng mga ito para hindi siya makita man lang ng dalawa. He wanted to cry and shout in despair. Pero nagpigil lamang siya at nakuntento na lang sa pagkuyom ng palad. Talaga nga bang hindi para sa kanya si Leila?

The Right Mr. G (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon