"Naku sinasabi ko sayo Gerger, bilis-bilisan mo kung ayaw mong maunahan. Sabi na sayo eh. Gamitin mo na lang yung hula. Hindi ko ipinaalam sayo yun para lang tingnan si Glenn habang kinokompleto niya lahat ng senyales sa hula."
Napahinga ng malalim si Gerry pagkatapos ng mahaba-habang sermon sa kanya ni Aya. Nasa may hardin siya ng bahay ng mga ito at panay ang linga sa paligid para siguraduhing hindi pa lumalabas si Leila.
Nang dumating siya doon ay nakauwi na ng bahay si Leila. Naabutan niya pa si Glenn na paalis na mula sa paghahatid sa dalaga. Hindi rin nakaligtas sa mata niya ang bouquet na dala nito at hindi niya na kailangang tanungin pa kung sino ang nagbigay niyon. Ang hindi niya lang matanggap ay ang makita ang tatlong puting rosas sa pumpon ng mga rosas.
Isa lang ang ibig sabihin niyon. Naka-one point na si Glenn. Naunahan siya nito sa pagbibigay sa dalaga. Kaya naman kaagad niyang tinawagan si Aya nang umakyat ng kwarto si Leila.
"Hindi mo kasi ako naiintindihan eh—"
"Naiintindihan kita Gerger! Sobrang-sobra!" putol ni Aya. May halong sarkasmo ang tono nito. "Dala lang iyan ng maarte mong katawan. Ang torpe-torpe mo! Four years kang naghintay at ngayon na may chance ka na, saka mo ibibigay si Glenn na yun?! Aba naman!"
Napahilamos siya ng mukha. Hindi lang naman katorpehan ang iniisip niya eh. May iba pa. "Tingin mo totoo ang hula?"
"Sira ka ba? Natural alam mo ang sagot ko sa tanong mong yan. At malamang kapag narinig mo iyon, mas lalo ka lang mamomroblema dyan."
Alam niya iyon. Naniniwala si Aya sa mga hula. Hindi katulad niya na naniniwalang pakulo lang ang lahat ng iyon. Pero siya lang yata ang hindi naniniwala sa hula na ipinagkatiwala na sa ngayon doon ang resulta ng love life niya.
Yes. Alam niya ang tungkol sa hula. Ipinaalam kaagad iyon ni Aya sa kanya matapos siyang kausapin ng ina nito noon para samahan si Leila sa bahay. Sa umpisa ay tumanggi pa siya dahil sa pagdududa. Pero matapos niyang makita ang tatlong puting rosas na kasama sa bouquet na bigay kanina ni Glenn ay nagbago na ang isip niya.
"Pwede ba, for once pakiflash na sa toilet yang katorpehan sa katawan mo? Hindi yan nakakatulong."
"Sa tingin mo ba ay hindi ko pa ginagawa iyon? Hindi mo lang alam kung pano mangatog ang tuhod ko sa tuwing kaharap ko ang ate mo."
Isang malutong na tawa lang ang isinagot nito sa rebelasyon niya.
"Salamat at napatawa kita." sarkasmong sabi niya sa kaibigan.
"Kasi naman ano! Pasalamat ka nga't nagkataong letter 'G' din ang pangalan mo. Papano na lang kung 'J' ka pala? Ke si Glenn man ang totoong para kay ate o hindi, ang importante magamit mo iyon to your advantage. Kasehodang kalabanin mo pa ang tadhana."
Yes. Iyon pa ang masaklap. Mukhang tadhana pa ang makakalaban niya.
"Hay naku Gerger... kung bakit naman kasi sa dinami-dami ng babaeng pwede mong kainlaban eh sa ate ko pa ikaw nadapa." Pumalatak ulit ito.
Alam niya iyon. Marahas siyang huminga. Kung natuturuan lang sana ang puso. Kaso, reality check, hindi diba? Tama si Aya, sa dinami-dami nga naman ng taong pwede niyang mahalin, bakit sa ate pa ng ex niya? Kahit pa sabihin nila ni Aya na trial and error lamang ang dalawang linggong relasyon nila. He was a varsity player during college days. Aya was one of those college girls who always had a crush on her. Nakikisigaw at nagchecheer sa tuwing naglalaro siya. Marami-rami na ang nagpakita ng motibo sa kanya noon. Marami na din ang nag-alok na maging girlfriend niya. Pero sa lahat, si Aya lang ang lumapit at "sinagot" niya. Hindi niya maintindihan noon pero may nakita siyang kakaiba dito. Oo nga't nagpapacute ito pero kaya nitong sabihin ang totoo kapag hindi maganda ang laro niya, walang takot na sinisinghalan siya nito, tawaging "sira ulo" o "mayabang" kapag nagyayabang siyang talaga. Hindi ito plastic at pilit nagpapaimpress. He wanted her more to be his sister and friend than his girlfriend. Pero gusto niyang pagbigyan muna niya ang dalaga. Gusto niyang gisingin at iparealize dito na hindi talaga siya ang lalaking gusto nito gaya ng inaakala nito. Aya got over her crush in him one week after so-called-relationship. Sa pangalawang linggo ng relasyon nila, mas mukha na silang barkada kaysa sa magsyota. And then they finally decided to stop their act and better off as friends.
BINABASA MO ANG
The Right Mr. G (COMPLETED)
RomanceNOTE: Unedited version po ito. As in literal na copy-paste lang ang ginawa ko from the manuscript i submitted to PHR to here sa Wattpad. Siguradong may mababasa kayong typos, grammatical errors (sure ako dun!) at malamang sa hindi, baka may naligaw...