Hans' POV
"Migs! Tara sa compshop! Dota tayo dali!" Sabay hila sakin.
Hayy. Ayan nanaman po sya. Malamang broken hearted nanaman tong lokong to sa girlfriend nya kaya nag aaya mag dota. Eh palagi naman akong talo dito. Tsk
"Uy! Ano pa bang tinutunganga mo jan?! Upo na! Libre ko!" Sigaw nya kaya napa upo naman ako.
Nagsimula na yung game. Si mirana ang napili kong hero at sya naman ang ultimate favorite nyang si liana inverse. Lamang ako sa crips at sa gold pero...
"First blood! Hahaha pinapasarap lang kita kala mo?"
Ayun napatay nya hero ko. At di na ko nakabawi. Talagang minumurder nya hero ko. At tulad ng dati. Talo nanaman ako. 3-0 ang standing.
"Ano ba yan! Ang weak mo talaga sa dota! Magbatak ka naman. Practice din kasi pag may time! Tara ano isa pa?" Pangaasar nya
"Ayoko na! talo naman ulit ako eh. Tss alam mo namang di ko hilig yan. Tara na nga! Ako na magbabayad"
"Eh ako na! Sabi ko libre ko eh" pagtanggi nya.
Pero hinila ko na sya at inabot na sa nagbabantay yung bayad. Dinala ko sya sa 7-11, umorder nga dalawang chocolate icecream at binigay ko sakanya yung isa.
"Bayadan mo na." Utos ko
"Tsk di ka na nagsawa sa icecream" sabay abot nya ng bayad sa cashier. Hinila ko ulit sya papunta sa park at inupo sa may swing. Umupo din ako sa kabila.
"Simulan mo na." Imik ko
"Ang ano?" Pagtataka nya
"Sus nagtanong pa. Ano nanaman ginawa nung bago mong girlfriend?" Sabi ko
"Hayy kilalang kilala mo na talaga ako noh?" Sabi nya
Oo kilalang kilala ko na sya. Simula pa nung mga bata pa kami, magkaibigan na kami.
*flashback*
First day ko sa school, transferee dahil lumipat kami ng bahay sa kalagitnaan ng school year at inenroll naman ako sa pinakamalapit na school. Hinatid ako ni mama. Payatot ako nun, nerd na nerd ang dating dahil sa salamin kong makapal ang grado. Pagdating ng recess, tahimik akong kumakain ng sandwhich na pinabaon ni mama sakin nang may umagaw ng baon ko. Isang mataba at malaki na lalaki. Di ako umimik at umiyak nalang dahil sa takot ko. Inasar naman akong iyakin at payatot. Pero biglang bumulagta sa sahig yung matabang bata. Nagulat ako dahil isang babae pala ang sumapak sakanya. Grabe ang lakas nya!
"Ikaw baboy! Wag kang mangaagaw ng pagkain patay gutom! Di sayo yan!" At kinuha nya yung sandwhich at inabot sakin. Umiyak naman yung matabang bata at tumakbo sa c.r
"Oh! Ikaw naman wag kang iiyak iyak jan. para kang bakla! Matuto kang lumaban!" Tumango nalang ako. Umupo sya sa tabi ko.
"Ako nga pala si Ashley Nicole Thompson. Tawagin mo nalang akong Ash. Ikaw yung bagong lipat sa moonville diba? Kapit bahay nyo lang ako. Buti dito ka pinag aral para maging friends naman tayo. At dahil friend na kita at niligtas kita sa baboy na yun, libre mo ko ng gummy bears!" Diredirecho nyang sabi at di na ko nakaimik.
Alam kong kapit bahay ko sya at nung makita ko sya sa unang beses ay crush ko na sya. Pero para syang lalaki kung umasta, mas lalaki pa sakin. Hinila na nya ko papunta sa canteen. Buti nalang pinagdala ako ni mama ng pera kaya nabili ko naman yung gusto nya. Pabalik na kami sa room.
"Hoy ano palang pangalan mo? Nakalimutan kong itanong." Sabi nya
"Hans Miguel Cho." Tipid na sagot ko. Mahiyain talaga ko eh.
"Chinese ka?" Tanong nya.
"Yung papa ko chinese pero si mama filipino." Paliwanag ko
"Ah ako parehong american ang parents ko. Pero nainlove daw sila sa pinas kaya dito na ko lumaki." Kwento nya. Halata namang foreigner sya
"Ahh okay." Tipid kong sabi.
"Migs nalang ang tatawag ko sayo ha? Ayoko ng hans. Parang kamay eh." Sabi nya. Kamay? Tss
"Sige. Ako naman Nicnic tatawag ko sayo." Pang asar ko
"Ha? Ayoko nun! Sabi ko Ash ang itawag mo sakin. Ash!" Pagangil nya
"Lahat sila Ash ang tawag sayo. Gusto ko iba."
"Hayy sige na nga" hahaha wala din syang nagawa. Patas lang kami
Simula nun, sabay na kami pumapasok sa school at umuuwi. Sabay kami kumain tuwing break. Magkasama kami sa lahat ng bagay. At nalaman ko kaya pala para syang lalaki dahil puro lalaki ang kasama nya sa bahay. Yung daddy nya at may dalawa syang kuya, si kuya aston at kuya art. Yung mommy nya maaga ng namatay dahil sa cancer at pinili na magstay ng daddy nya sa pinas. At dahil puro lalaki ang kasama nya, at bunso pa sya, feeling nya lalaki din sya. At gusto nyang maging lalaki na talaga kaya yung buhok nya palaging panlalaki ang gupit. Ewan ko ba dito. Ang ganda ganda nya pa naman. Sayang lang.
* end of flash back *
Ashley's POV
"Sus nagtanong pa. Ano nanaman ginawa nung bago mong girlfriend?" Tanong nya.
Eto talagang si Migs, kabisado na ko. Alam nya talaga kapag broken hearted ako.
"Hayy kilalang kilala mo na talaga ako noh?" Sabi ko. Di sya umimik.
"Ayun, nakita ko sa mall kahapon, may kaholding hands na lalaki. Nakakainis! Sana naging lalaki nalang ako para di na ko naloloko. Ginawa ko naman lahat. Binigay ko lahat ng gusto nya pero wala pa din." Pag eemote ko
"Eh hindi ka naman kasi lalaki. Sabi naman sayo magpakababae ka nalang. Marami pang magkakagusto sayo. Yang mga babae na yan lolokohin ka lang, peperahan. Di ka na nadala. Ilang beses na nangyari yan. Sa limang naging girlfriend mo parepareho lang ang ending."
Oo naka limang girlfriend na ko. Lahat sila niloko at iniwan ako. Pero ano bang magagawa ko? Eto na ko. Sana lalaki nalang ako. Di na ko nagsalita at umiyak nalang. Lumapit si migs sakin at niyakap ako. Buti nalang talaga at nanjan tong mokong na to. Tumigil na din ako sa pagiyak at nagaya nang umuwi. Dun muna ako natulog sakanila. Ayos lang naman sa pamilya namin dahil best friends na talaga kami. Tabi kami. Ganto palagi pag malungkot ako. Gusto ko kayakap ko lang sya hanggang sa makatulog ako para di na ko umiyak pa.