Hans' POV
Tumunog yung alarm clock ko ng 5am. Papatayin ko sana kaya lang di ko magalaw yung katawan ko kasi ang higpit ng pagkakayakap sakin ni nicnic. Pinagmasdan ko yung mukha nya sobrang lapit namin sa isa't isa. Konti nalang mahahalikan ko na sya. Konti nalang, ayan na.
"Ang ingay!!!" Sigaw sabay upo nya. Whew muntik ko na syang mahalikan!
"Ano ba yan bakit ba nagaalarm yang orasan mo ha?" Reklamo nya.
"Kasi ho, may pasok tayo."
At pagkasabi ko nun ay bigla syang tumakbo palabas at umuwi na sakanila. Kumain naligo at nagayos na ko. Paglabas ko ng bahay, nakasandal sya sa may gate namin.
"Ang tagal mo naman. Para kang babae. At tignan mo nga yang sarili mo, magpagwapo ka naman! Kaya wala kang girlfriend eh." Angal nya
"Wala kong girlfriend dahil ikaw ang gusto ko." Bulong ko sa sarili ko.
"Ano yun?!" Tanong nya
"Wa-wala! Tara na nga!" Pagiwas ko
At naglakad na kami papuntang school. Malapita lang naman eh. 4thyr highschool na kami ngayon. Dun pa din kami nagaaral sa school namin nung elementary. Loyal eh. Pagdating namin sa room,
"Goodmorning sweety!" Bati sakanya nung girlfriend nya at niyakap sya. Yayakapin din dapat ni nicnic yung manlolokomg yun pero hinigit ko sya.
"Walang maganda sa umaga lalo na kung isang malanding haliparot ang una mong makikita." Malamig na sabi ko
"Eww nerd wag mo nga akong kausapin!" Paginarte nito.
Naiinis na talaga ko. Konti nalang masasapak ko na to. Kung di lang to babae eh. Pinaiyak nya si nicnic at di ko sya mapapatawad dahil dun. Tinanggal ko ang makapal kong salamin at niloosen ang neck tie ko
"Nerd? Do you wanna see this nerd mad? You won't like what I'll do with you." At ngumiti ako ng nakakaloko. Natulala naman sya sabay bigla syang kumapit sakin.
"Gwapo ka pala eh. Ang hot mo kapag galit ka. Gusto mo tayo na lang? Trip ko lang naman yang best friend mo eh. As if naman papatol talaga ako sa tomboy diba?" At sa sinabi nyang yun, di na ko nakapagpigil at itinulak ko sya. Napaupo sya sa sahig.
"Don't mess with her or else!" Threat ko sakanya at hinila ko na si nicnic na kanina pa umiiyak. Dinala ko sya sa likod ng school at niyakap
"Shh, tahan na" pag amo ko sakanya
"Bat kasi ganto nalang palagi? Sana ako nalang ikaw para may pagasa pang may magmahal sakin." Sabi nya
"Wag mong sabihin yan. May nagmamahal naman sayo ah." Sabi ko
"Sino? Ikaw? Eh di naman tayo talo." Sabi nya
"Alam ko. Pero best friend mo ko at mahal kita. Pati daddy at mga kuya mo mahal ka nila. Pati parents ko. At si God. Diba? Wag mo kalimutan yun." At unti unti syang bumitaw sa pagkakayakap ko. At hinarap ako. Ang lapit nanaman ng mukha nya sakin. Ang lakas nanaman ng tibok ng puso ko. Sana di nya marinig.
"Salamat. Salamat migs dahil anjan ka palagi. Ikaw talaga ang lakas ko." At niyakap nya ko ulit.
2nd subject na kami nakapasok. Back to normal nanaman sya. Maingay, makulit, pasaway, siga. At yung ex nya, sinapak nya sa mukha! Pati yung lalaking kasama nung ex nya sa mall, binugbog nya! Hahaha grabe talaga tong babaeng to. Uwian na, nagaya naman sya sa park at nilibre ako ng ice cream. Nakahiga kami sa damuhan.
"Magpakababae ka na kasi para di ka na masaktan." Imik ko.
"Sige." Napaupo ako sa sagot nya.
"Anong sige? Magpapakababae ka na?" Excited na tanong ko.
"Oo. Pero kailangan mo muna magpagwapo at magkaron ng girlfriend bago ko gawin yun." Kundisyon nya.
"Pero ayoko. Wala akong gustong babae. At ayokong baguhin ang sarili ko." Angal ko.
"Bahala ka, hahanap ulit ako ng bagong girlfriend." Pananakot nya
"Tss oo na sige na." Wala naman na ko magagawa. Ayoko na sya masaktan ng dahil sa pinagpapalit sya ng mga walang kwenta nyang babae.
"Good! Tara?" Aya nya
"San tayo pupunta?" Tanong ko
"Sa mall. Sisimulan na natin ang pagbabago sa buhay mo." At hinila na nya ako.
BINABASA MO ANG
Ang Bestfriend Kong Tibo
JugendliteraturSinubukan ko lang kasi wala akong magawa :)