Ashley's POV
Maaga akong umalis sa bahay at di ko na hinintay si Migs. Gusto ko kasi magayos sya ng sarili nya magisa. Hintayin ko nalang sya sa school. Tignan natin kung bibiguin nya ko. Maaga akong pumasok. Kadalasan kasi flag ceremony na bago kami dumating ni migs. Pero ngayon sobrang aga ko. At ayan, flag ceremony na. Ang tagal naman ni migs.
"Uy sino yun? New student?"
"Ang gwapo nya shocks!"
"Akin sya! Walang aagaw!"
"Hi kuya!"
Ayan lang naman narinig ko sa mga babaeng nagkakagulo sa pila. Sus siguradong mas gwapo pa ko jan. at pagkakita ko kung sino yun, natulala nanaman ako at ang lakas nanaman ng tibok ng puso ko. Si migs, ang gwapo nya. Yung polo nya naka unbotton yung sa kwleyo at loose ang neck tie. Hawak nya lang sa kamay yung shoulder bag nya. Ang hot ng dating nya. Lumapit sya sakin.
"Ikaw! May kasalanan ka sakin! Di mo ako hinintay! Ang aga mo pumasok!" Panenermon nya sakin. Pero nakatulala pa din ako
"Bat nya kinakausap yang tomboy na yan? Close ba sila?"
"Baka girlfriend? Sabay daw sila papasok eh"
"Anong girlfriend? Tibo yan oh!"
"Ay oo nga imposible. Pero sino sya?"
"Di kaya si.... Hans?!"
Napatingin naman si migs dun sa tumawag sakanya at nginitian to. Tumili naman yung babae. Matapos flag ceremony, lahat ng babaeng madadaanan namin tatawagin sya. Yung iba pa hihingin number nya pero iniiwas ko sakanila si migs. Nakakainis eh. Pagdating namin sa room umupo na kami. At yung mga babae dun lapitan sa kanya. Dibale ba sana kung ako nilalapitan kaya lang hindi eh si migs! Kainis!
"Hans, ang gwapo mo pala. Di ka pa nagkakaron ng girlfriend diba? Gusto mo ako nalang?" Sabi nung ex kong manloloko. Nainis naman ako.
"Ehem! Babe, sorry ha pero di to pumapatol sa manloloko." Sabat ko
"Tse! Tomboy!" Sabi nya at umalis na
"Pano ko magkakagirlfriend nyan kung lahat ng babaeng lumapit sakin inaaway mo at iniiwas sakin? Selos ka noh?"
"Anong selos? Di tayo talo noh!"
"Sige sabi mo eh."
Tss naging gwapo lang eh. Pero mas gwapo pa din ako dito nako.
Hans' POV
Natatawa nalang ako sa inaasta ni nicnic. Pero di ako sanay sa atensyon na natatanggap ko. Mas sanay pa ko ng tinutukso kaysa tinitilian. Hayy sino naman kaya ang magiging girlfriend ko? Ayoko naman ng kung sino sino lang.
Matapos ang break, Naglalakad kami ni nicnic sa hall way nang may nabangga akong babae. Nagkalat yung mga libro nyang dala. Tinulungan ko naman syang pulutin yun at pag abot ko sakanya, nagulat ako. Eto yung crush ni nicnic mula nung elementary pa kami. Si Micah. Maganda sya, mukha syang anghel. Mabait at tahimik lang. Magkaklase din kami simula nun pero di sya nadiskartehan ni nicnic dahil ayaw talaga ni Micah sa mga tomboy. Napalingon ako kay nicnic at todo naman ang ngiti neto. Napangisi ako. Eto nalang kaya ang gawin kong girlfriend?
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko
"Ah oo. Salamat. Sige alis na ko." Sabi nya pero hinawakan ko sya sa kamay at pinigilan.
"Teka diba ikaw si Micah Angela Salvador? Classmates naman tayo sabay na tayo pabalik nga room." Pagaya ko. Tumango naman sya. Kinausap ko lang sya ng kinausap hanggang sa makarating sa room.
"Hoy Migs! Wag mo nga iclose si Micah. Alam mo namang crush ko yun eh baka magkagusto pa sayo yun." Bulong sakin ni Nicnic
"Eh diba magpapakababae ka na pag may naging girlfriend ako? Sya yung napili ko." Wala nang ibang matino eh
"Ha? Di pwede akin yun eh." Kanya daw?
"Sayo? Naging kayo ba? Eh diba duwag kang ligawan yan kasi ayaw nya sa mga tomboy?" Oo hate ni Micah mga tomboy.
"Tss oo na oo na panalo ka na." As always
"Basta tulungan mo nalang ako sakanya. Para maging babae ka na."
Di na sya umimik. Nung nagbell na, nilapitan ko si Micah.
"Hi Micah! Uwi ka na?" Tanong ko. Tumango lang ito.
"San ka ba nakatira? Hatid na kita." Pagalok ko. Siniko naman ako ni nicnic at sinamaan ng tingin.
"Wag na. Jan lang naman ako sa moonville walking distance lang" pagtanggi nya
"Talaga? Eh dun din kami eh. Sabay na tayo. Ano bang street nyo?"
"Sa orbit street."
"Ay lagpas samin. Pero hatid na kita. Tara na!" At naglakad na kami pauwi. Nagiging close na kaming tatlo.
"Ash, tomboy ka ba talaga?" Tanong nya. Nabigla naman si nicnic sa tanong nito. Magsasalita na sana ko nang
"Hindi ah, boyish pang talaga ako pero babae ako. Di totoo yung nagkagirlfriend ako. Trip lang yun. Diba migs?" Hahaha todo tanggi pa nga?
"Ah oo. Boyish kasi puro lalaki kasama nya" dugtong ko
"Ahh buti naman. Naiilang kasi ako sa mga tomboy eh."
"Bakit?" Tanong ni nicnic
"Kasi nangangarap sila maging lalaki eh di nalang nila tanggapin na babae sila pinanganak." Inis na sabi nito
"Ahehe kaya nga." Sabi naman ni nicnic.
At nakarating na kami sa tapat ng bahay ni Micah. Dito pala to nakatira. Sa nagiisang mansyon dito sa moonville. Sabagay, is syang Salvador, ang pinakamayamang pamilya sa bansa. Hawak nila lahat ng malls. Hayy napakayaman. Nagpaalam na kami kay Micah at naglakad na pauwi samin.
"Bat ka tumangging tomboy ka?" Panguusisa ko
"Ah eh kasi ayokong lumayo sya sakin. Diba nga sya gusto mo maging girlfriend? At magpapakababae na din ako pagnangyari yun." Paliwanag nya
"Ah okay." Di na kami umimik hanggang sa makauwi na kami. Bago matulog, tinext ko si nicnic.
To AB.Nicnic
Nicnic, di ako sasabay bukas ah. Bibilan ko ng bulaklak si Micah. Kita nalang tayo sa school. Goodnight.