Nasa mall na kami. Hawak nya pa din ang kamay ko. Kanina pa nga eh. Pulang pula na ko sa kilig. Hahaha ang bading lang. Iba talaga epekto nya sakin eh. Una namin pinuntahan eh sa optical shop at bumili ng contact lens na clear at sakto sa grado ng mata ko. Pero di nya pa pinasoot sakin yun. Namili kami ng mga damit at sapatos. Tapos bag na pamasok. Sabi ko nga bagpack na lang eh. Ayaw nya. Ang binili nya sakin yung shoulder bag eh ayaw ko naman nun kasi ang hassle dalin pero wala akong nagawa. Dinala nya ko sa salon
"Ayoko dito! Puro bading!" Sigaw ko. Pinagtitinginan na kami ng mga tao.
"Isa! Kailangan mo to sige na! Sapakin na kita eh?!" Hinahatak nya pa din ako papasok
"Ayaw ko nga. Sa barbero nalang tayo." Sabi ko
"Kahit dun ako nagpapagupit di pwede dun dahil kailangan mong magpakulay ng buhok."
"Ano?! Ayoko! Ayoko!"
"Ano ba?! Nabibwisit na ko ah! Halikan kita jan!" At dun, natameme ako at namula.
"Sus pinahirapan pa ko papayag din naman pala"
At ayun nga di na ko naka palag. Ginupitan buhok ko at pinakulayan ng brown. Pinasoot nya na sakin yung contact lens at yung damit na nabili namin.
Ashley's POV
Excited na kong makita sya! Hahaha mukha siguro syang bading. Pinagtripan ko lang naman to eh. Pagkalabas nya, napatulala ako. Kasi ang gwapo nya talaga. Dati pa naman syang gwapo pero ngayon, wala akong masabi. Napakapit ako sa dibdib ko kasi ang lakas ng tibok ng puso ko. Bat ba ganto?
"Oh ano na? Bat nakatulala ka jan?" Dun lang ako natauhan. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Sabay tumawa ako ng malakas dahil...
"Tss oo na mukha na kong tanga" sabi nya
"Hindi hindi. Ang gwapo mo promise!" Hahaha ayos sana eh. Hahaha
"Eh bakit grabe ka makatawa jan?" Asar na tanong nya
"Gwapo na sana. Sobra. Kaya lang, hahahaha!" Nakakatawa talaga grabe. Hahaha
"Ano?!" Nakasigaw na sya
"Yung yung medyas mo kasi rainbow! Hahahahahahaha" hahahaha pano ang ayos ng porma nya sabay rainbow ang medyas? Hahaha epic!
"Eh ikaw kaya nagbigay nyan! Niregaluhan mo ko ng sangkatutak na rainbow na medyas at sayang naman kung di ko sosootin." Oo nga pala noh. Hahaha
"Hahahaha akala ko kasi bading ka talaga at magugustuhan mo yan."
"Tss" iritado na sya. Lalo sya gumagwapo este ewan!
"Sige na bibili nalang tayo ng bagong medyas." At ayun, umalis na kami. Dinaanan nalang namin yung medyas at umuwi na. Nakakapagod tong araw na to pero masaya.