**3**

8 0 0
                                    


Nakakairita.

Tumayo na ako at umalis. Hindi na rin ako nagpaalam sa babaeng 'yon. Nakakainis dahil napakalaki niyang istorbo sa'kin. Hindi ko naman siya kilala pero kung makaasta at makatawag ng 'kuya' eh, parang magkamag-anak kami.

Wala na ang pulis na naghatid sa'kin kanina kaya mukhang magko-commute ako pauwi. Naghihintay na ako ng mapaparang taxi sa harap ng ospital nang biglang may mahigpit na yumakap sa'kin sa likod.

"Kuya Denmark... nandito siya..." boses ng babae galing sa bathtub. "'Yong kriminal... papatayin niya ako."

Paglingon ko, may lalaking nurse na tumatakbo palapit sa'min na may dalang scalpel. Akmang sasaksakin niya 'tong babae kaya hinawakan ko ng mabuti ang braso niya at humarap sa direksiyon ng nurse para maprotektahan siya. Napuruhan niya ang kaliwang braso ko. Sobrang hapdi at naramdaman ko ang pagdaloy ng mainit at napakaraming dugo, mukhang malalim ang sugat na binigay niya.

"Papatayin kita! Tandaan mo 'yan! Babalikan kita!" May mga sinasabi pa siya pero hindi ko na naintindihan. Nagdilim na ang paningin ko.


**3**

Umiiyak na naman 'yong bata. Amoy na amoy pa rin ang sunog na laman. Kitang-kita ko ang kanang braso niyang sunog at may marka pa ng kamay ng bruhang babae kanina. Mula sa pinto, may nakita akong babae, this time, maayos ang hitsura niya. May resemblance sila ng bruhang pumaso sa bata. Magkapatid yata.

"Sinaktan ka na naman niya?"

Inangat ng bata ang ulo niya mula sa pagkakatungo. Basang-basa na ang mukha niya ng pinaghalong pawis, luha at uhog. Hindi na rin niya maiwasang hindi humagulgol.

Lumapit 'yung tiyahin niya yata sa kanya. "Shhh... Tahan na. Bukas, itatakas na kita dito. Pupunta tayo ng Maynila." Pinunasan niya ang mukha ng bata gamit ang palda niya. "Doon, wala nang mananakit sa'yo. Mabubuhay na tayo ng maayos ng wala si Ate."

Niyakap niya ang bata. Hindi niya alam na nakikinig ang Ate niyang bruha sa sinabi niya. Ngumiti na naman ito ng nakakatakot at tumingin sa kinaroroonan ko.

"Kuya Denmark, ayos ka lang?"

Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko siya, ang babaeng hindi ko alam kung bakit ko iniligtas. Nababaliw na yata ako kanina. Mahigpit siyang nakahawak sa kanang kamay ko. Sa katunayan, wala na dapat akong pakialam sa kanya pero heto ako't nananakit ang kaliwang braso ng dahil sa saksak.

"Gusto ko nang umuwi." Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

Umiling siya. "Hindi pa pwede."

Babangon sana ako ng biglang kumirot ang sugat. Aysh, nakakainis. Dapat nasa bahay na ako ng mga oras na ito at nanonood ng KDrama eh. Patapos na ako manood ng Legend of the Blue Sea.

"Kuya... salamat... salamat sa pagligtas... sa'kin."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Kasalanan mo 'to. Kung hindi mo 'ko pinigilan umuwi sana tahimik ang buhay ko ngayon!" Umayos ako ng higa para tingnan siya ng mabuti. "Siguro kaya itinakwil ka ng mga kamag-anak mo dahil wala ka nang ibang ginawa kung hindi magdala ng kamalasan sa buhay nila. At siguro rin, ikaw ang dahilan kung bakit patay na silang lahat. Ano? Totoo 'no?"

Nakayuko lang siya at hindi umiimik. May pumasok na nurse na may dalang gamit para linisin ang sugat ko.

"Lalabas lang ako saglit." Kahit 'wag ka nang bumalik, sa isip-isip ko.

Tomorrow with the Yesterday's YouWhere stories live. Discover now