**7**

8 0 0
                                    


Ang gulo.

Nasa kalagitnaan na kami ng horror house nang may mahulog mula sa taas. Naghiyawan sila ng ma-realize nilang pugot na ulo ang nahulog. Sumabay pa ang sound effects na may malakas na sumigaw kaya nagulat kami . Bigla ring may lumabas na lalaking nakabarong na pugot ang ulo na tumatakbo papunta sa amin. Naghiyawan ang lahat pati na si Hae Soo. Nagkagulo na sila.'Yong magbabarkadang nasa unahan, tumakbo papunta sa entrance. May humila rin sa'kin at dire-diretso kaming tumakbo sa exit. Nang nasa labas na, nakita kong hindi si Hae Soo ang humila sa'kin kung hindi 'yong babaeng humiyaw noong una.

"Ah... Kuya sorry kung kayo ang nahila ko. Sorry talaga." Hindi ko na pinakingggan ang sinabi niya at pumasok na ulit ako sa loob para hanapin si Hae Soo. Nasa'n na kaya 'yon?

"Hoy, Hae Soo! Nas'an ka?" sigaw ko. Ang dilim pa rin sa loob, may mga natatabig ako sa pagtakbo pero wala na akong pakialam. Kailangan kong mahanap si Hae Soo.

"Hae Soo! Sumagot ka!" Wala pa rin. Umiiyak na kaya 'yon? May pagka-crybaby pa naman ang babaitang 'yon.

"Kuya Denmark!" tumakbo na siya palapit sa'kin. Madapa-dapa pa. "Kuya Denmark... akala ko..." hinawakan niya ang mga kamay ko. Nanginginig siya.

"Anong nangyari sa'yo?" Tanong ko habang naglalakad kami papalabas ng horror house. Hinawakan ko na rin ang kanang kamay niya at baka mawala na naman. "Ayos ka lang ba? Nadapa ka ba? Ano?" Bakit ba kasi hindi ka sumasagot?

"Kuya Denmark, sinundan niya ako... nasundan ako ni Inang!"


**7**

"Si Inang. Hindi siya ordinaryong tao." Magkatapat kaming nakasakay sa Ferris Wheel, ang request ni Hae Soo at huling sasakyan namin.

"Pa'nong hindi ordinaryong tao? Maligno? Aswang?" Nagsimula na itong umandar. Nalula pa ako ng kaunti.

"Hindi. Sikat siyang mangkukulam." Nakayuko siya habang nagsasalita. Natawa naman ako sa sinabi niya. So, parang celebrity ang inang niya?

Napatingin siya sa'kin nang matawa ako. "Sikat siya kasi. Marami na siyang napatay."

"Buti hindi siya sinusugod ng mga tao? 'Di ba sabi mo, marami na siyang napatay?"

"Takot silang lahat sa kanya."

Napatitig ako sa kanya. Hindi ko ine-expect na pwedeng makapatay ang pangungulam. Pwede pala 'yon?

"Malupit si Inang. Basta kapag malaki ang bayad. Mas higit pa sa utos. Ang gagawin niya." Parang hindi siya mapakali habang nagsasalita.

"Hoy Hae Soo, 'wag mo nang ituloy ang kwento kung hindi ka komportable. May iba pa namang araw."

Umiling siya. "Huli na. Alam na niyang nandito ako."

Mas lalo akong na-curious. "Ano bang mangyayari kapag nahanap ka niya? Hindi ba..." patay ka na? 'Yon sana ang sasabihin ko pero 'wag na. Baka makadagdag pa sa alalahanin niya.

"Gusto niyang masigurong mamamatay ako." Tumulo na ang luha niya pero pinunasan niya kaagad. "Galit siya sa'kin. Sobra."

Hinayaan ko lang siyang magsalita. Malapit na kami sa tuktok at nakatitig lang ako sa kanya. Baka biglang tumalon sa labas eh.

"Sa pangungulam, may bayad-utang. Ako 'yon. Simula nang pinanganak ako. Humina ang kapangyarihan ni Inang."

"Nang malaman niyang buntis siya. Ginawa niya ang lahat. Para mamatay ang bata. Alam niyang ako ang magsisilbing. Karma niya."

Tomorrow with the Yesterday's YouWhere stories live. Discover now