**11**

7 0 0
                                    

Nakakakaba.

Lumabas ako ng booth at tumingin sa paligid. Still, no sign of Hae Soo. Sinubukan kong tawagin ang pangalan niya, pero walang sumasagot. Pinuntahan ko na ang restroom for girls at tinawag ang pangalan niya, pero wala pa rin. Wala ring tao sa loob nito. Chineck ko kung may guard na nag-iikot. Nang makitang wala, pumasok ako sa loob at binuksan ang bawat cubicle. Wala talaga si Hae Soo!

Parehas kaming lumabas ng control room ng guard. "Nakakapagtaka," sabi ni manong guard. "Bakit kaya siya tumakbo?"

Lutang ako habang nagda-drive ng kotse, buti nga nakauwi pa ako sa unit ko ng buo.

Nabigla ako nang may nag-doorbell. Padabog akong tumayo dahil wala ako sa mood tumanggap ng bisita. Pagbukas ko ng pinto, nairita talaga ako sa nakita ko kaya napitik ko siya sa noo.

"ARAY!" hinawakan ng dalawa niyang kamay ang noo niya.

"Kalma, Denmark." Nang makita ko kung sino ang nagsalita, bumilis ang tibok ng puso ko. From badtrip to shocked real quick.

"Dave," parang pinanghinaan ako ng tuhod at sa pagbanggit ng pangalan niya mas lalo lang akong nanghihina. "Bakit kasama mo si Hae Soo?"

**11**

Mga two minutes yata akong nakatayo sa pintuan ng unit, gulat pa rin sa nakikita ko. Hindi talaga ako makapaniwala na nandito si Dave nang wala man lang pasabi. Hindi ako na-orient.

"Mabuti pa, pumasok muna tayo sa loob. Mas maganda kung doon tayo mag-uusap, 'di ba Denmark?" Nginitian niya ako at si Hae Soo. Over one month na ang nakalipas pero wala pa ring pagbabago si Dave. Nakakahawa pa rin ang ngiti niya.

"H-Ha? O-Oo, pasok." Binukas ko ang pinto para makapasok silang dalawa. Pumunta si Hae Soo sa kusina habang si Dave, pinagmamasdan ang kabuuan ng unit.

"Whoa, hindi pa rin pala nagbago ang lugar na 'to. Parang ito pa rin ang ayos simula noong huling punta ko dito ah?" Lumingon siya sa'kin na parang nage-expect ng sagot. Hindi ako mapakagsalita, naurong na yata ng tuluyan ang dila ko.

Nakatitig lang ako sa kanya na parang timang. Napalundag ako sa gulat nang may maramdamang malamig sa braso ko. Si Hae Soo pala, idinikit sa braso ko ang dalang 1.5 liter ng coke.

Natawa naman si Dave. "Ikaw naman kasi Hae Soo, lutang tuloy si Denmark sa pagkawala mo."

Sumimangot ako. Walang kinalaman ang pagiging lutang ko sa pagkawala ni Hae Soo!

"Hindi kaya." Nilapag na ng babaita ang dala sa dining table at inaya si Dave na maupo. Padabog din akong umupo. Ang ayoko sa lahat ang inaasar ako sa taong hindi ko gusto. Hello?! As if naman.

I crossed my arms at tinapunan si Hae Soo, na nakaupo sa kanan ni Dave, ng masamang tingin. Naiinis pa rin ako sa kanya.

"So Dave," humarap naman ako sa kanya. "Care to tell the story?"

"'Wag kang mainis sa kanya, dapat nga sa'kin ka magalit. Muntik ko na siyang masagasaan." Hindi maipinta ang mukha ni Dave nang magsalita siya, malamang kinabahan din 'to sa nangyari kanina.

"As usual, suki yata ng car accidents 'yang si Hae Soo." Napangiti si Hae Soo. Anong dapat ikatuwa na muntik na naman siyang mamatay?

"Nagda-drive ako noon malapit sa Memorial Palace nang bigla siyang tumawid. Kinabahan talaga ako kasi akala ko, nabangga ko siya. Instead, nakatayo lang siya sa daan at nakuha pang kumaway sa'kin." Natawa na naman si Dave. Inambahan ko siya na pipitikin sa noo niya at nagtago ang babaita sa likod niya.

Nagpatuloy ulit siya, "Ang kulit pala nitong special someone mo, Denmark. Ni hindi ka man lang nag-open up sa'kin tungkol sa kanya."

Napangiwi ako. Si Hae Soo, someone special ko? Yak lang. Talaga. "Tigilan mo na nga ako, Dave. Wala kaming any romantic relationship. Mas bata kaya 'yan sa'kin."

Tomorrow with the Yesterday's YouWhere stories live. Discover now