MY TOTGA

19 0 0
                                    

Naglalakad ako papunta sa bilihan ng paborito kong ice cream nang makita at madaanan ko ang dalawang swing sa tabi ng puno malapit sa school, at nagbalik ito ng napakaraming alala sa isipan ko. Di ko namalayan, naluluha na pala ang mga mata ko.. Puro saya, laging may mga kalokohan, walang katapusang tawanan at sobra sobrang paglalambingan. Napaupo nalang ako sa swing sa sobrang lungkot.

Kamusta na sya? Okay lang kaya siya? Paborito niya pa rin kayang kumain ng siomai tuwing recess? Nakakapagusap pa kaya sila ni Aling Mona? Sino na kaya ang kaagawan niya sa paborito naming ice cream? At sino na kaya ang kabff fries niya?

Hindi ko napigilan ang sarili ko ng bigla ko nalang kinuha ang phone ko at nag dial ng number...

"Sana andito ka, gusto ko andito ka.. Dito, dito lang sa tabi ko."

Hindi ko namamalayan paulit ulit na pala siyang nagsasalita, "The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. The number you have dialed is either unattended or out of coverage area."

Natahimik nalang ako, at biglang may tumulong luha mula sa mga mata ko. Nasan ka na ba kasi? Hindi ka manlang nag paalam, hindi ka manlang nagsabi. Akala ko ba, ikaw lang at ako sapat na para patumbahin lahat ng pagsubok na humaharang sa atin. Akala ko ba, tulungan lang, walang bibitaw. Bakit ba bumitaw? Pano mo nagawang bumitaw at talikuran lahat ng pangakong at planong binuo nating dalawa?

Lumalamig ang gabi, sana andito ka. Sana nandito ka.

February 8, 1992

FLASHBACK

Naglalakad ako papasok ng campus nang mapansin ko na sa bawat ng kanto ng dinadaanan ko ay may paborito kong malaking bulaklak na nakakabit. Sunflower!!! Teka teka, may event ba? Parang di naman ako nainform ah.

Dali dali ang lakad ko ng makarating ako sa building namin ay inabutan ako ng bestfriend ko ng sunflower. Hala grabe iba to!!

"Hoy joff, ano to?! Anong meron at anong kaharutan nanaman to baklaaaaaa!?" Sabi ko na may halong kaba.

"Beeees! Haba ng hair, di ko kinaya.. Hahahaha" Sagot ni Joff na may kasabay pang paghawak sa mga buhok ko.

Teka ano ba kasing meron?

Sumunod na nag abot ng sunflower ang seatmate at classmates ko, tropapips at iba pang barkada, at sa pag abot naman nila ay lalo lang nadadagdagan ang pagtataka ko at siya ring dumadagdag ang kaba.

Sa kahuli hulihan nakita ko si Mav, naglalakad patungo sakin, mayroong dala dalang bouquet of sunflowers. Parang huminto ang buong mundo ko, nanlalabo ang paningin ko at halos wala na rin akong marinig mula sa hiyawan ng mga tao sa paligid natin, pagkatapos ay gumawa ng formation ang mga mokong kong kaibigan na may hawak na mga kartolina na may sulat na "Chloe, will you be my girlfriend?"

Ito yung araw na binitawan mo yung mga salitang "Pwede na bang maging tayo, pwede na ba kita maging girlfriend, Chloe?" at ang pabebe kong pagsagot ng "Hmm, oo sige na nga. Oo na."

"Hala weh, baby na kita baby krystal? Totoo ba?!" Maluha luha mong pagtanong ulit.

"Bahala ka, ayaw mo maniwala babawiin ko yan." Sagot ko ng pabiro.

END OF FLASHBACK

Akalain mo yun? Yung siraulong ikaw at itong malditang ako ay talaga naman palang itinadhana para sa isa't isa. Ikaw ung tipong pala absent, ako naman tong panay cutting. Pero simula nang mabuo ung salitang tayo, sabay natin pinagsikapan abutin mga pangarap natin na may halo at walang mintis na pagmamahalan. Yung sobrang kasweetan mo, lahat ng efforts mo, lahat ng bagay na binigay mo, lahat ng bagay na patungkol sayo.. Binigyan ko ng halaga, at ganun ka rin sakin. Tulungan sa pag abot ng mga pangarap, walang susuko, walang bibitaw. Kakayanin kasama ng mga pangakong kahit ano pang pagsubok ang makatunggali ay mananatiling mahal kita at mahal mo ako. Mav, sabay tayong nakagraduate ng high school, parehas pa tayong with honors. Sabi mo di ba hanggang college sabay tayo? Akala ko ba?

MY TOTGAWhere stories live. Discover now