16 Wounded

21.8K 632 3
                                    

Hunter POV

"Aaahhh!" Sigaw ko ng malakas at halos gusto ko ng itulak ang babae na nasa harapan ko. Pero mas diniinan pa niya ang paglapat ng kamay niya.

"Ano ba! Dahan-dahan naman!" Angil ko sa babae na walang pakundangan ang mga kilos.

"Tsk! Parang sugat lang kung makasigaw ka dyan para kang naputulan!" Angil din ng babae sa akin. Tinapunan ko siya ng inis na tingin habang nilalapatan niya ng betadine ang braso kong may malaking hiwa. Nakadagdag pa sa inis ko ang naghahagikgikang mga bata sa likod ko.

"'Di mo ba nakikita ang malaking hiwa na 'yan?! Hindi lang ito basta sugat! Winarak mo ang braso ko! Kung di mo ako tinulak, hindi sana ako nagkaganito!" Paninisi ko sa dalaga na hindi naman mukhang nakokonsensya, mukha pa ngang wala itong pakielam sa dugong patuloy na dumadaloy sa braso ko.

Sa pagtalon ko kasi o pwedeng sabihin sa pagtulak kasi niya kanina ay tumama ang braso ko sa nakausling bato malapit sa cliff. Marahil dahil nawala ang momentum ng pagtalon dahil tinulak lang ako ng babae. Pagbulusok ko sa tubig ay sumunod din naman ang babae na kasunod kong tumalon. Halos nagkita pa kami sa ilalim ng tubig. Pag-ahon ay ramdam ko na ang hapdi sa braso ko at kaagad din akong inakay ng dalaga pabalik sa cliff.

"Bakit tatalon ka ba kung hindi kita itinulak?!" Sarkastikong anito na ikinairap ko sa kanya.

"Natural. Alangang naghubad ako para manood lang doon!" Inis na sagot ko.

"Aray! Nananadya ka na yata eh!" Inis kong sikmat ng diinan ng babae ang hawak niyang bulak at pinaikutan ng gauze ang braso ko. Agad ding naging pula ang gauze dahil sa duguan kong braso.

"Ang dami mo kasing sinasabi! You really talk like a girl!" Anito sabay tayo. Niligpit niya ang first aid niya at binalik sa bag habang sinisipat ko ang sugat ko.

"Tangna! Kailangan yata ng stitches nito eh!" Reklamo ko sa babae ng maging pulang-pula ang gauze na ikinabit niya.

"Püssy!" Rinig kong ani ng babae na ikinapantig ng tenga ko.

"What did you call me?!" Angil kong muli sa babae.

This girl will really get it when she repeat that word! Nobody calls me a püssy and gets away with it!

She just rolled her eyes at my obvious anger and didn't even bother to reply. Binalingan niya na ang mga bata at isa isang niyakap.

"Mga bata, paano next time na lang ulit? Pasensya na hindi na tayo nakapaglaro, sa susunod na lang... paglaruan niyo muna ang dala ko sa inyo. Dadalhin ko pa kasi si Kuya Hunter niyo sa ospital baka mahimatay na siya." Anito sa mga bata na naghagikgikang muli sabay tapon ng tingin sa akin.

Anak ng tupa! Ang babaeng ito talaga! Namumuro na!

"Sige po Ate Hannah... mukhang maputla na nga po ang kasama niyo.." anas ng pinakamatandang si Pipoy at muli silang nagtawa, rinig ko din ang pagtawa ni Hannah.

Very funny!

"Ate Hannah, sa susunod po dalhan niyo kami ng kek ha. 'Di pa kasi kami nakakakain ng marami no'n. Dati kasi paisa-isang kutsara lang kami kapag nag- betdey si Julio eh." Ani Buchok habang himas ang himas ang tyan.

"Sure. Cake lang pala eh!" Magiliw na sagot ni Hannah sabay gulo ng buhok ni Buchok.

"Kelan ka po uli babalik ate?" Tanong ng isa pang bata.

Heartless Hannah (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon