33 Admission

19.7K 580 12
                                    

Hunter POV

Pagkatapos ng trip namin sa Quezon ay hindi na kami nagkitang muli ni Hannah. Pumupunta ako sa condo niya pero mukhang hindi ko naabutan ang dalaga. Kung nasaan siya ay hindi ko din alam. Hindi rin ito sumasagot sa mga messages at tawag ko sa kanya. Hindi ko tuloy maintindihan kung talaga bang busy lang ang dalaga o iniiwasan na niya ako. Huwag naman sana ang huli.

"Argh! Dammit!" Initsa ko ang cellphone ko sa sofa na kanina ko pa tinitignan pero hindi man lang tumutunog.

Pero ako rin ang hindi nakatiis at mayamaya ay muli ko iyong pinulot at ng makitang wala pa ring pagbabago ay inis na ibinagsak iyon sa lamesa.

Ano bang nagyayari sa babaeng 'yon at bakit hindi man lang makareply kahit isa!

"Boss, walang laban ang cellphone sa'yo! Bakit pinag-iinitan mo?" Sita ng nakangising si Vinz, na nakalimutan kong nasa opisina ko nga pala.

"May hinihintay akong tawag." Napapahiyang sagot ko.

"Ah... Tawag ba ng isang dalaga 'yan? Na itago natin sa pangalang Hannah?" Pabirong ani Vinz na ikinahawak ko sa sentido ko. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip. Halata na marahil ni Vinz ang pagkabalisa ko. Halos dalawang linggo na akong ganito.

"Vinz, ano sa palagay mo ang tumatakbo sa isip niya? Halos dalawang linggo na siyang walang paramdam? Two weeks! Ni isang text wala! We had this great thing going... tapos biglang ganito!" Pag-amin ko sa lalaki na tumatango tango.

"Ano bang relasyon niyo? Because the last time you said you were friends with her." Anito na ikinabuga ko ng marahas na hangin sa bibig.

"We are friends with benefits Vinz. But we practice exclusivity." Sagot ko sa lalaki.

"Ah okay... So... fuckbuddies kayo pero umaasta ka na hindi mataeng aso dahil hindi mo siya makontak? Is it because you want sex or because you want to know where she is?" Ani Vinz na ikinakunot ng noo ko sa binata.

"What?! What the hell are you getting at?" Inis na aniko sa kanya. Lalo ng sumasakit ang ulo ko kay Vinz. Bumuntong hininga si Vinz at maya maya ay ngumisi din.

"Boss, two weeks ka ng aligaga eh! Are you looking for her because you want to have sex? Or are you looking for her because you want to see her?" Tanong nitong muli. Tinignan ko siya na animo'y tibubuan siya ng dalawang ulo.

Wirdo talaga tong si Vinz!

"Vinz, pareho lang 'yun! Of course I want to see her and bed her!" Iritang sagot ko kay Vinz pero nagtawa lang si Vinz at umayos siya ng upo at inilapag ang papel na binabasa nito kanina.

"What I mean is... Are you looking for her because you're horny or because you can't stop thinking about her?" Ani Vinz na ikinakamot ng ulo ko.

"Man, you are not making sense!? Of course I'm thinking about her, siya ang topic natin 'di ba?!" Inis na sagot kong muli na lalo ng ikinahagalpak ng tawa ni Vinz. Tinignan ko siya ng masama na nagpatigil din ng tawa nito pero halata ang pagpipigil niya ng tawa.

Kung di ko lang ito kaibigan baka sinapak ko na ito eh!

"Okay, I'll make this simple for you. First time mo eh! Masyado kang nasanay na ikaw ang hinahabol!" Anito habang umaayos ng upo.

"What first time? Get to the point man!" Iritang sagot ko sa kanya.

"Okay... this is quite simple. If you can't stop thinking about her, you're acting like a lunatic because you haven't seen her for a while and you're going crazy not knowing where she is. You always want to be with her and you're making efforts like buying her flowers and cakes not just because you want a tumble in bed but because you just want to see her smile or make her happy. And her presence in your life makes you feel complete and you think highly of her, that no other woman can compare to her. Then I think those are symptoms! Congratulations Boss! You're inlove!" Mahabang pahayag ni Vinz na lalong ikinakunot ng noo ko.

Inlove? Ako? No way!

Nagtawa ako ng malakas sa sinabi ni Vinz pero kahit sa sarili kong pandinig ay parang may pagkapeke iyon. Kinakabahan ako.

"Nagpapatawa ka ba Vinz? Dahil lang ba inutusan kitang ibili ako ng bulaklak at cake?! 'Yan na ba ang batayan mo para sabihin mo na inlove ako?!" Nakangising aniko sabay napailing kay Vinz.

"Let's take the sex and friendship out of the equation. Answer me with yes or no. Kahit kailan ay walang sex na mangyayari sa inyo ni Hannah at hindi rin kayo magkaibigan. Would you still go to her?" Napabuka ang bibig ko sa tanong na iyon. Hindi ko maisatinig ang sagot ko because it's a blatant yes.

Nagkibit balikat lang ang huli at muling kinuha ang papel na binabasa niya kanina na para bang kahit hindi ko isatinig ang sagot ko ay alam na niya iyon.

"The earlier you admit it to yourself, the better you can take actions towards it. Don't waste your time idling, by the time you want to do something I just hope its not too late." Sagot lang ni Vinz sa akin at animoy tinatapos na niya ang pakikipag-usap sa akin ng itutok na niya ang atensiyon niya sa papeles na hawak niya.

Minsan talaga mas amo pang umasta itong gagong ito sa akin eh! Kulang na lang ito na mismo ang umupo sa upuan ko.

Napahilamos ako ng mukha at inulit ulit ang mga sinabi ni Vinz sa utak ko.

I can't stop thinking about her? Check! She's been running in my head night and day.

Am I acting like a lunatic because I haven't seen her for a while? Check! I haven't finish anything lately. Kahit ang trabahong dapat na ako ang gumagawa ay pinasa ko na kay Vinz.

Am I going crazy not knowing where she is? Check! I've been checking on her every now and then sa condo niya. Pabalik-balik na nga ako doon eh!

Do I always want to be with her? Check! Every single second if that is even possible! Ayoko na ngang umuwi kapag kasama ko siya!

Am I making efforts not just because I want a tumble in bed but because I want to see her smile or make her happy? Check! I made efforts to give her flowers with the intention to see her smile.

Hannah's presence really makes me feel complete and I do think highly of her. I can't think of anybody else that I'll be with than her!

Check! Check! Check! Oh fūckingshìt!

Nasapo ko ang ulo ko at mayamaya lang ay mabilis na napatayo ako. Tinapunan naman ako ng curious na tingin ni Vinz habang hindi pa rin naaalis ang nakakalokong ngisi sa labi niya.

I need to see Hannah! Now!

"I need to go Vinz! Ikaw na ang bahala dito." Natatarantang aniko kay Vinz. Vinz chuckled and tapped my shoulder.

"Alright! Lagi namang ako ang bahala eh, sige na...Go get her." Nagtatawang anito. Walang sinayang na oras at agad akong lumabas ng opisina at determinadong tinungo ang kotse ko.

Holyshìt! I'm inlove with my fūckbuddy!

I'm inlove with Hannah!

... And I need to fvcking tell her and make her mine!

Heartless Hannah (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon