34 Flip

18.9K 595 36
                                    

Hunter POV

Dumeretso ako sa condo ni Hannah at nagmamadaling kinatok ang pinto ng condo niya. Nagbabakasakaling nakauwi na ang dalaga.

Kabado ako pero mas lamang ang excitement ko sa gagawin ko. Kahit pa sabihin ng dalaga na ligawan ko siya, gagawin ko kahit na tumagal pa. Ngayon alam ko na kung bakit gusto ko lagi kasama siya at kung bakit naiinis ako tuwing magkakahiwalay kami. I'm madly inlove with her. And I won't waste another minute not telling her how I feel about her. I will make her mine and I will persuade her until she loves me back.

Napangiti ako dahil hindi ko akalain na dadating ang ganitong pagkakataon na ako ang hahabol sa babae. Sanay ako na ako ang hinahabol ng mga babae pero sa pagkakataon ito ay mababaliw ako kung hindi siya mapapasaakin. Hahabulin ko siya kahit saan siya magpunta. Susuyuin ko hanggang mapasagot ko.

Kinatok ko ng kinatok ang pinto ni Hannah ng may ngiting hindi mapalis sa labi ko. At sa wakas ay bumukas iyon na mas lalong ikinalapad ngiti ko ng matunghayan ang mukha ng babaeng laging laman ng isip ko. She is really so damn beautiful.

"Hannah..." I breath out her name. Too consumed with an overwhelming feeling of happiness that I felt seeing her lovely face again and the relief that finally she is standing in front of me.

"Hunter... Anong ginagawa mo dito?" May pagkatarantang ani Hannah habang pinakipot niya ang bukas ng pinto sa gitna namin.

"I need to tell you something Hannah! Can I come in?" Aniko sa babae kahit na ba gustong gusto ko na siyang yakapin at halikan ay nagpigil ako. I want to tell her first everything that I realized. I wanted to clear my intention towards her. I know she thinks I'm a womanizer but I want to change her mind. I will try to make her see that I can change... for her.

"Ah..pwede bang sa ibang araw na lang, Hunter." Mahinang bulong ni Hannah sa akin na ikinakunot ng noo ko.

"No. This is urgent, Hannah. I really need to talk to you." Aniko sa babae and I took a step inside.

"Wait!" Tarantang ani ni Hannah na nakaharang sa pinto para hindi ako tuluyang makapasok.

"Sinong nariyan, Hannah? Dumating na ba ang food delivery?" Anas ng boses na nagpatigil sa paghakbang ko pa papasok sa condo ni Hannah. Napatingin ako sa mata ni Hannah at kita ko ang apologetic na itsura niya. Daig ko pa ang sinuntok sa nakikita sa harapan ko ngayon.

Lumapit ang lalaking nagmamay-ari ng boses sa likod ni Hannah at ngayon ay magkaharap na kami at nagtititigan. Pinilit kong pagtakpan ang gulat at selos ko ng pagtango sa lalaki.

"Hunter, right? Please do come in." Anito at ito na mismo ang nagpaluwag ng pinto ni Hannah.

'Di ko na namalayang naglakad na pala ako papasok at ngayon ay nakaupo sa sala ni Hannah habang katapat ko ang lalaking nagpapasok sa akin.

"Ah... I know you and Hannah are friends, she told me all about it. Na palabas niyo lang na may relasyon kayo tuwing nagpupunta kayo sa bahay." Umpisa ng lalaki na ikinalingon ko kay Hannah pero nakayuko lang ang dalaga at mukhang ayaw salubungin ang mga tingin ko.

"Marahil nagtataka ka kung bakit narito ako. Ang totoo nyan, I gained my memory back. I remember everything now. I remember my relationship with Hannah and I'm so sorry that I made a big mess of everything!" Anito at sa bawat salita ng lalaki ay may hatid na saksak sa dibdib ko.

"I see." Maikling aniko sabay lingon kay Hannah na walang kibo at nakayuko pa rin. Muli kong binalingan si Marcus ng magsalita itong muli.

"My memory came back to me two weeks ago and I broke my engagement with Dina. Everything is clear to me now." Dugtong pa nito

Heartless Hannah (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon