Fireside

12 1 0
                                    

Epilogue

Ako si Kylee Jonah Teh, Kyle for short. 18 years old. Chinese-Brazillian-Filipino na born and raised sa Philippines. Singkit ang mga mata, payatot, brown eyes, 5'8 ang height, naka glasses, may braces, parang walis sa tigas ang buhok, black-belter sa karate, soccer player at ballet dancer. May kaya ang pamilya ko. Mga weirdo nga lang sila. Lawyer si daddy, surgeon naman itong si mom ko. Palagi sila wala sa bahay kaya ewan ko ano ng nangyayari sa kanila. May dalawang kapatid; Si kuya Drew na isa na ding Lawyer at si Mikael, ang younger brother kong parang pinaglihi sa demonyo. Grumaduate as Valedictorian sa school namin. Hindi gaanong matalino, sadyang tamad lang talaga lahat ng batchmates kong mag-aral. Member ng student council, nakakuha ng dancer of the year award, athlete of the year award, most outstanding leader award, quiz bee winner, spelling bee winner at loyalty award. May tropang the best sa buong mundo pero mga sira ulo. Walang boyfriend pero hindi ko naman sila kailangan.

Perfect na sana ang social life ko.

Pero bakit kailangan talaga sirain ng parents ko?

Bakit sa lahat-lahat ng mga bagay na pwede nilang kunin sa akin, ang buhay ko pa dito sa Pinas?

Ano bang meron sa London at dun na kami titira?

Parehas lang naman yun dito eh, mas maginaw nga lang.

Sa lahat-lahat ba naman ng pwedeng gawin dun bakit tumira pa?

Sa lahat-lahat ng panahong pwede pumunta dun bakit bukas pa?

Punyeta! -_-

Author's Note

BAGONG STORY! YIEPY-YEY! J

WARNING NGA PALA RATED-PG ITO KASE MADAMING CURSING SO READ AT YOUR OWN RISK! AT KUNG MAY MALING SPELLING OF MALING WORDS NA GINAGAMIT HAYAAN NIYO NA LAMANG MUNA NAKAKATAMAD MAG EDIT.

PHOTO ON THE SIDE PLAYED BY JULIA BARRETTO

-E.M.

FiresideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon