The Crush

1 0 0
                                    

Zei

"Zei! Halika na! Magsisimula na yung competition sa Mr. and Miss Intrams! baka hindi na tayo makakapanood pag hindi pa tayo pumunta!" Alieza

"Oo na. Tatayo na. 'Wag masyadong excited at baka matapilok ka" sabi ko naman.

Leila Zei Anilo nga pala. Grade 9 student. Kagaya nga ng sinabi ng kaibigan ko kanina, manonood kami ng Mr. and Miss Intrams.

Isa kasi sa mga lumalaban doon si Monique, isa sa mga kaibigan namin. Siya kasi ang napiling representative ng Grade 9. Isa din ako sa mga pinagpilian, yun nga lang anong ipanlalaban ko? Confidence nga wala ako eh. Si Monique maganda, matangkad, at matalino.

Oh diba? Kaya minsan nagtataka ako kung bakit napasama ako sa kanila eh ang layo ko sa pagiging maganda. Usual outfit ko nga ang tees, pants, and sneakers. Konting pulbo ayos na wag lang magmukhang haggard.

But to think of it twice. They're my friends not because for any reasons but because they're true.

---------

The pageant started and we cheered for our friend. Kasama ko sina Alieza at Krishiel. Wala naman akong pakialam sa ibang contestants. Sa katunayan, nandito lang ako dahil gusto ko lang suportahan ang kaibigan ko.

I hate crowded places for short. Para ngang walang nakakaalam ng existence ko maliban na lang sa mga friends ko and teachers namin.

Then the crowd went wild.

Lumingon ako sa dahilan ng kaguluhan ng madla and there I saw a tall guy.

Grade 9 representative. In fairness hah, he has the looks.

Maganda ang tindig niya, makikita mo talaga ang confidence. Clean cut ang buhok niya na bumagay naman sa goodboy look niya. Maputi siya, medyo singkit ang mata at matangos ang ilong.

"Woooohhhh!!!!! Go Grade niiiinnnnneeee!!!!!" Sigawan ng mga tao.

"Erwiiiinnnn!!!!! Kyaaahhhh!!!!!" Sigaw ng isang babae sa may likod ko.

The pageant ended at ang galing lang ni Monique sa pagrampa. Yun nga lang nag 1st runner up lang siya. May experience na ata yung last batch ng 4th year na babae sa pageants eh.

At least yung Mr. Intrams galing sa Grade 9.

---------

We were eating lunch sa school cafeteria. Nagkukwentuhan kami ay biglang nabaling ang usapan sa crushes.

Then na out of place na ako kaya nanahimik na lang ako sa isang tabi.

"How about you Zei? Sino crush mo?" Krishiel

"Wala akong crush" ako

Totoo naman eh. Madalas nila akong tinutukso kasi nga wala daw akong crush. Abnormal daw ako.

Hindi rin naman ako tibo. Ewan ba. None caught my attention.

Eh sa mga totoy pa tong mga ka batch ko. Bukod dun, since nagbibinata pa lang ay uso ang mga pimples at oily face. Secret lang to hah pero may iba diyan di pa tuli. Hahaha

"Kahit sa seniors? Sige na... Alam ko meron yan... nagdadalaga ka na eh!" Krishiel

"Wala nga! Kulit niyo ba." Ako

"Ano yun? Abnormal? Walang crush?" Singit ni Alieza. They know me too well. Iniinis lang nila ako para umamin.

Since makulit sila ay pinagbigyan ko na lang. As if totoo naman diba?

"Oo na! Meron na." Sabi ko nang matigil sila.

"Hoozaah! So who's the lucky guy?" Nakangiting saad ni Monique

Nilibot ko ang paningin ko para maghanap ng puwede maging crush.

"Ano ba yan, ang chachaka. Ang hirap pala maghanap ng guwapo" I murmured

"Hah? Sino ulit? Di ko narinig eh" saad ni Alieza

Tapos may dumaang lalaki. Ay ito yung Mr. Intrams. Siya na lang kaya?

"Ang sabi ko, yun oh. Yung kararaan lang."

"Talaga? Si Erwin Esma?" Monique

Ah so yun ang pangalan niya.

"Yeah siya nga" patay malisya kong sagot

" Ayiiiieeee~" kinikilig na saad nila

----------

Xerene_Azul

Mr. Somebody and Miss NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon