Chapter 1

31.1K 241 4
                                    

Note: This is the raw and unedited version.

Teaser:

Sa Heart's Coffee Date, ang coffee shop na pinagtatrabahuhan niya, ibinaba ni Kyla ang in-order ng lalaking naka-sunglasses at abala sa pagtipa sa cell phone. Nang mag-angat ng tingin, tinambol ng malakas ang kanyang dibdib. Sa likod ng salamin ay tiyak na gwapo ang lalaki. Napakatikas ng pangangatawan. Malapad ang dibdib at mga balikat.

"Kyla..."

Natigagal siya. Bakit parang narinig na niya ang boses ng lalaki? Pamilyar ang paraan ng pagbanggit nito sa pangalan niya. 

"May kilala akong isang babae noon na kaisa-isang binigyan ko ng biscotti. At alam mo ba kung ano ang sabi niya? 'Choc Nut at Cloud 9 lang ang kinakain ko.'"

Lumakas ang kabog ng dibdib ni Kyla.Because that girl he was talking about was her.

"Naaalala mo pa ba ako, Miss Kyla Marie Manguan?" Unti-unting tinanggal ng lalaki ang salamin sa mata.

"Jervis Puentenegra..." nanlalaki ang mga matang sambit ni Kyla. Hindi siya makapaniwalang makikita niya ito ulit pagkalipas ng halos sampung taon. SiJervis lang naman ang lalaking kinaiinisan niya noong high school, he who made her high school life exciting, pero siya ring dumurog sa puso niya. 


HEART'S COFFEE DATE SERIES 2

JUST ROMANTIC

By: Saab de Andrade

CHAPTER ONE

"A-ANAK? Jervis, anak ikaw ba 'yan?"

Bumikig ang lalamunan ni Jervis sa tinig na iyon ng kanyang Ina. Napakasarap sa pandinig ang pagsambit nito sa kanyang pangalan at ang pagtawag nito sa kanya ng anak. Kaytagal niyang nangulila sa mga katagang iyon.

Minasdan niya ang kabuuan ng bahay na kinaroroonan niya. Napakaraming taon buhat ng huli siyang pumasok sa tahanang iyon na dati ay puno ng saya. Ngunit ngayon sa muli niyang pagpasok roon ay tanging kahungkagan at lungkot ang kanyang nararamdaman.

Sa nanginginig na mga kamay ay sinikap niyang ngumiti sa Ina kahit na ng mga sandaling iyon ay nagbabanta ang mga luha sa kanyang mga mata.

Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa Ina. Napakalaki ng pinagbago ng katawan nito. Bagsak na bagsak ang katawan nito mula sa isang masiglang ginang noon. Ang maamong mukha nito ay napalitan ng pangamba at ang mga mata nito ay tanging lungkot ang nababasa niya roon.

Sinikap niyang maging matatag at lumuhod sa paanan ng wheelchair ng Ina.

"M-ma...." hindi na niya napigilan ang pagdaloy ng masaganang luha sa kanyang mga mata habang minamasdan ang miserableng anyo nito. Napakasakit isipin na alam niyang hindi na ito muli pang makakalakad. At alam niyang hindi na maibabalik pa ang dating sigla nito. Tinignan niya ito, ganoon din ito, puno ng luha ang mga mata. Sabik na sabik siyang tawagin ito at mayakap na muli.

Naramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang mukha.

"Ikaw nga," masiglang sambit nito na waring 'di makapaniwalang nandoon siya. "Jervis anak ko, ikaw nga."

"Ako nga ito, 'ma," nakangiting tugon niya habang nakatingin sa mga mata nitong puno ng luha. "Pwede ba kitang yakapin?" aniya sa garalgal na tinig.

Puno ng luha ang mga mata nitong tumango sa kanya. Hindi niya pinalampas ang pagkakataon at niyakap ito ng mahigpit habang kapwa sila lumuluha. Halos pitong taon na rin ang nakakaraan buhat ng huli niyang marinig ang tinig ng Ina at maramdaman ang mga yakap nito. Naramdaman niya ang paghigpit nito sa yakap.

Heart's Coffee Date SERIES 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now