Chapter 3

10.4K 157 2
                                    

CHAPTER THREE

PABAGSAK na humiga si Kyla sa kanyang kama sa loob ng nag-iisang kwarto sa kanilang apartment ni Case. Dalawa ang kama roon, tig-isa sila ni Case. Tama lang naman ang laki ng buong apartment para sa kanilang dalawa ng kaibigan. Maluwang ang sala at kusina. Sapat ang lahat ng kagamitan para sa mga kailangan nila.

Alas-diyes na ng gabi ay hindi pa rin siya makatulog. Kapag ganoong oras na ay sigurado siyang dadalawin na siya ng antok dahil sa pagod sa trabaho. Buong linggo niya ay pang-umaga ang pasok niya. Mula alas-nuebe ng umaga hanggang alas-sais ng hapon. Sanay na sanay siya sa pabago-bago ng duty niya. Kung minsan naman ay pang-hapon hanggang madaling-araw ang duty niya. Mula alas-siyete ng hapon hanggang alas-kwatro ng madaling araw. Puyat man at pagod ay kinakaya niya. Kailangan niyang magsakripisyo para sa kinabukasan.

Dapat ay natutulog na siya ng mga sandaling iyon. Pero ewan ba niya kung bakit hindi siya makatulog. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Bakit mukha ni Jervis ang nakikita niya? Ang mga mata nitong mapupungay ang natatanaw niya. Iminulat niya ang mga mata. And why in the hell she's seeing him at the ceiling of their room? Mula kanina ay ito ang naiisip niya at ang muli nilang pagkikita sa HCD.

Ang pisikal na anyo lang ni Jervis ang nagbago. At aaminin niyang lalo itong gumwapo sa paningin niya. Ang ugali nito... ito pa rin ang Jervis na kilala niya noon. Napangiti siya at hindi maiwasang alalahanin ang mga pangyayari sampung taon na ang nakararaan...

Naglalakad na pauwi si Kyla mula sa kanyang classroom. Mabuti na lamang at maagang i-di-nis-miss ang kanilang klase sa unang araw ng pasok para sa taong iyon. Matutulungan pa niya ang kanyang nanay sa pagtitinda nito ng mga kakanin.

Mula ng mamatay ang kanyang Ama ay mag-isa na siyang binuhay ng kanyang Ina. Mula sa Cebu kung saan siya lumaki at nakatira noon ng kanyang pamilya ay umuwi sila ng kanyang Ina sa Bulacan. Dito ang bayan ng kanyang Ina kaya nagpasya itong umuwi sila mula sa Cebu na bayan naman ng kanyang Ama. Dito niya ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Second year high school na siya sa Don Carlos High School. Ito ang pinakamalapit na paaralan mula sa kanilang tahanan.

Natigilan siya sa paglalakad at kumunot ang noo ng may mahagip ang kanyang paningin. Mula sa dulo ng kanilang paaralan ay may nakita siyang isang grupo ng lalaki habang nakapalibot sa isang babae. Dala ng kuryosidad ay lumapit siya sa mga ito.

"Hoy mga pangit! Anong ginagawa niyo sa kanya?" sita niya sa mga estudyanteng tila binu-bully ang isang babae.

Pinalaki siya ng mga magulang na matapang. Ayaw na ayaw niya sa lahat ang inaapi siya lalo na ang mga kapwa niya babae.

Tinignan siya ng matabang lalaki. Inilipat-lipat niya ang tingin sa limang lalaki. Pamilyar sa kanya ang mukha ng mga ito. Mga kaklase niya ang mga ito at itong kaharap niya ang pinaka-maingay sa classroom nila kanina. Dumako ang tingin niya sa babae na namumutla. Mukhang freshman ito at napagtripan ng mga kumag na ito. Kumuyom ang kamay niya sa mga bully na ito.

"Hoy ka rin babae!" anang matabang lalaki sa kanya. "Huwag ka ngang makielam dito. Umalis ka na kung ayaw mong ikaw ang pagtripan namin." Tumawa pa ito at ang mga kasamahan.

Pinaymawang niya ang mga ito. "Gusto mong tusukin ko 'yang tiyan mo para maalis ang taba mo ha?" nanlalaking mga matang sabi niya rito.

Kita niya ang pagpipigil ng tawa ng mga kasamahan nito at ang pagtalim ng tingin sa kanya ng matabang lalaki. Sinamantala niya iyon at hinila ang kamay ng babae.

Heart's Coffee Date SERIES 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now