Chapter 4

9K 144 1
                                    

CHAPTER FOUR

"SWEETIE GIRL!"

Hindi pinansin ni Kyla ang malakas na pagtawag na iyon sa kanya. Nagtuluy-tuloy siya sa paglalakad. Pauwi na siya galing trabaho at nagaabang ng jeep na masasakyan pauwi. Isang sakay lang ay makakauwi na siya. Malapit lamang ang apartment nila mula sa HCD.

Kilalang-kilala niya ang tinig. Pero wala siyang panahon makipag-usap sa lalaking iyon.

"Ay mukhang kabayo!" Gulat na sambit niya ng may malakas na bumusina sa kanyang likuran. Napapikit siya ng mariin at tumigil sa paglalakad.

Hinarap niya ang salarin. Walang iba kundi si Jervis. Nakahinto na ang sasakyan nito sa harapan niya at nakalabas ang ulo sa bintana ng kotse nito.

"Ano ba!" asik niya. "Hindi mo ba talaga ako titigilang lalaki ka ha? Ano pa bang gusto mo? Akala mo ba nakalimutan ko na ang ginawa mo sa aking pambabastos sa HCD? At muntikan pa akong mawalan ng trabaho nang dahil sa kagagawan mo! Ano ngayon ha? Hindi mo ba talaga ako lulubayang kumag ka?" Hindi na niya napigilan ang paglintanya.

Naiinis na talaga siya kay Jervis. Mula ng muli niya itong makita ay naging simula na ng konsumisyon niya.

"Ang dami mo namang sinasabi Kyla," nakasimangot na sabi nito. "Isasabay lang naman kita pauwi sa bahay mo."

"Isabay mong mukha mo!" angil niya. "Sa tingin mo sasakay ako diyan sa kotse mo?" nginuso niya ang sasakyan nito. "Pagkatapos mo akong pahirapan lalapit ka ngayon sa akin na parang walang nangyari? Huh! Baliw ka talaga Jervis! Baliw!" nanggagalaiti pa ring patuloy niya.

"Huwag kang masyadong nagagalit Kyla. Sige ka, dadami ang wrinkles sa noo mo," bagkus ay nakangiting sabi nito.

"Talagang kukulubot ang mukha ko kung ikaw ang lagi kong kinakausap," nanlalaking mga matang pasaring niya. "Utang na loob lubayan mo ako. Hala! Alis na! Tsupi!" pagtataboy niya rito.

"Ang sakit mo namang magsalita Kyla," kunwa'y nasasaktang hinawakan pa nito ang dibdib. "Huwag mo namang baliin ang puso ko, iisa lang ito," madamdaming pahayag pa nito

Tumalim ang tingin niya rito. "Kung ganon ang mga buto mo sa katawan na lang ang babaliin ko. Tutal marami rin ang mga 'yan," gigil na sabi niya.

Sumimangot ito. "Ang sama-sama mo. Kung ipagtabuyan mo ako parang may nakakahawang sakit ako."

Minulagatan niya ito. "Oo! Daig mo pa nga ang may nakakahawang sakit kung tutuusin lang. Sa sobrang kapit mo ay hindi ka maalis-alis."

"You're so harsh! Why are you doing this to me?" pagi-inarte pa nito.

"Huwag kang umarte. Hindi bagay sayo. Ang pangit mo!"

"Ikaw pa lang ang kaisa-isang babaeng nagsabing pangit ako," anitong hinimas-himas pa ang pisngi. "Malabo na nga siguro ang mga mata mo."

"Huh! Kuntodo talaga 'yang bilib mo sa sarili mo 'no? Hoy Jervis! Ang mabuti pa umuwi ka na, matulog at managinip. Pagod lang 'yan eh. Baka sakaling magising ka sa katotohanan."

Tinawanan lang siya nito. "Masyado kang seryoso. Inaasar lang naman kita noong nasa HCD tayo. Totoo naman ang sinabi ko na nagbago ang pisikal mong anyo. Dati payat ka lang pero tignan mo naman ngayon, ang sexy mo na." Inambahan niya ito ng suntok ng ngumisi sa kanya. Sumeryoso naman ito. "Nagulat lang ako ng sampalin mo ako. At hindi naman totoong ipapasesante kita sa boss mo. Nagulat nga ako ng dumating 'yung si Driggs. Natural, umarte na lang ako. Hindi ko magagawang mawalan ka ng trabaho Kyla. Masyado ka kasing nagagalit riyan," iiling-iling na sabi nito.

Heart's Coffee Date SERIES 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now