Freshman 2

63 1 0
                                    

*Kinabukasan pag gising*

"Aba. 5 am palang ah? Ang aga ko ata magising ngayon. Ano ba nangyayari sakin? Parang naeexcite ako pumasok. Ewan ko ba sa sarili ko. Ano ba nangyayari saken? >__<"

*6:00 nakapasok na ako ng school, Dati kasi lagi akong 7 am kung pumasok*

"Hay nako, Ang aga ko naman masyado, Medyo madilim pa, napakaexcited ko naman e -__-"

*Biglang dumating na si Ron. Dati kasi siya lagi pinaka maagang napasok dito"

"Aba Kai?! Ano? Naunahan mo pa ako? Hahaha! Ang aga mo ngayon ah? Ano meron?"

"Ewan ko, Ang aga ko kasi nagising ngayon, e pumasok nalang ako ng maaga kasya malate pa ako"

"Asus. Ang sabihin mo excited kang makita si Mae. Hahaha! Ay, Joke lang! Peace tayo Kai hahaha."

"Luko, Un agad? Bored lang tlga ako sa bahay namin kaya pumasok nalang ako" (Luko talaga tong si Ron e, Kailan ba to titigil ng pangaasar sakin? =___=)

*Makalipas ang isang oras ay nagdatingan na ang lahat. Pati Teacher namin ay nagdatingan na.*

"Class! Tumayo kayong lahat at dalhin nyo mga bag nyo"

*Bigla kaming nagulat lahat, akala namin kung ano gagawin. Biglang nagsalita ang isa naming kaklase*

"Teacher? Ano pong gagawin natin?"

"Magaayos tayo ng seating arrangement nyo"

"Ah ganun po ba"

"Okay class. Pumila kayo by height"

*Un nga nagsipilahan na kami, Magkasing tangkad lang kami ni Ron, Mga 5'4 Siguro? Ewan, di ko sinusukat height ko nun e, Nasa hulihan kaming dalawa ng pila.*

"Kai, Tignan mo, Nasa hulihan din si Mae ng pila sa girls"

"Oo nga. Kanina ko pa napansin"

"Ese naman Hahaha. Talagang lagi mong tinitignan e no?"

"Asa kapa. Napansin ko lang, napalingon kasi ako kanina dun" (Shet, Makakatabi ko pa ata si Mae.)

"Sus. Okay okay haha. Baka mabugnot kapa dyan"

*Bigla kaming tinawag ng Teacher namin*

" Kyler, Ron at Mae. Dun kayo sa likuran, sa dulo si Kyler"

*Bigla akong siniko ni Ron"

"Kai, Jackpot ka. Ang daming may gustong makatabi yan, Ikaw pa nakatabi. Hahaha"

"Edi sila nalang tumabi kay Mae, Gusto pala nila un e"

(Shet sabi na nga ba. Makakatabi ko si Mae. Pano to? Nahihiya ako. Baka mautal lang ako dito. Shete)

"Sige lang deny pa. Deny lang hahaha. Kunyari kapa dyan Kai hahaha"

"Hay nako Ron, tigilan mo ko -___-"

*Eto na, magkatabi na kami ni Mae. Grabe bakit ganun? Yung puso ko ang lakas ng tibok? Parang sasabog. Ano ba nangyayari?*

----------

Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon