LUTSS [I] Start-off Case

0 0 0
                                    

Natapos yung klase namin kaya heto kami ngayon ni Ray, tinatahak ang daan papuntang faculty. Nauna na rin kasi sina Dani at Ash na pumunta doon. Ewan ko ba naman kasi sa Ashton na yun, kung nag-iisip pa ba yun at gustong ipahamak ang sarili.

"Sige Mikmik, text mo na lang ako ah? Doon lang ako sa girls ko" natatawang sabi ni Ray nung nakarating na kami sa harap mismo ng faculty. Binatukan ko nga kaya napa'aray' siya.

"Kaylan ka ba magseseryoso?" I was pertaining sa love life niya. All throughout Junior high namin, puro fling flings lang alam neto eh. MU, hanggang doon lang. Mayroon naman siyang natitipuhan pero gusto niya lagi settle for less. Yung di kayo, pero parang kayo. Tsk. Tsk. Parang umaarte ka lang sa entablado eh.

"Tsaka na, kapag seryoso ka na" pagbibiro niya pa. Nako! Tensyonado na nga ako sa nangyayari, sumasabay pa.

"Mamaya na nga lang tayo mag-usap!  Masusuntok talaga kita mamaya!" I said in gritted teeth. Hindi ko na siya pinasagot pa at agad na pumasok sa faculty.

Napakalamig talaga ng loob neto. Ang aliwalas pa ng ambiance dahil sa white at baby pink na pintura ng walls at mahahabng silk na kurtina. Nakita ko kaagad si Dani at Ashton na nakaupo sa harap ng mesa ni Mam Conda, na hanggang ngayon ay wala pa.

Wala pa rin naman yung ibang teachers kasi break time. Malamang nasa canteen sila. Lumapit ako sa dalawa at humila ng isang monobloc chair sabay itinapat iyon sa harap ni Ashton na katabi ni Dani. I should start interrogating this man before pa makarating si Mam.

"Ashton Seva. Rank Two. Chess Master. Now, features his hatred to a teacher using the school's gazette. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, mister?" Panimula ko. Nakatingin lang siya ng diretso sa mata ko simula nung nagsalita ako habang si Dani, nakatingin lang saamin.

Dahil medyo naawkward ako sa titig niyang emotionless, monabuti kong magcellphone habang hinihintay ang response niya. Palihim akong nagrecord para kapag inamin niya, may pruweba ako.

"Bakit, ano namang impact sa'yo , Ms. Torrealba? Magiging rank two ka ba kapag nakialam ka?" Tsk. Sa tagal ng panahon na kaklase ko 'to, ngayon ko lang nakita ang bad side niya.

"Baka nga hindi pero to remind you , I am the associate editor of the school's gazette so my job-----------"

"Is to double check all the articles edited by the editor in chief right?" Pagpuputol niya sa sinabi ko. God! This guy is unbelievable.

"So as your feature writer, sinunod ko lang ang utos niyo na magpasa ako ng article. Kung naipublish man 'yon, hindi ko na kasalanan. Come on, gusto niyo naman ata talagang mapabilang 'yun sa feature section eh" biglang nanaray si Ash, tsk. Bakla ata 'to.

With the looks? Napakaformal. Mayroon siyang napakakapal na salamin, yung pangmatanda, not that of a typical nerdy glass. Yung buhok niya, tama lang sa kaniya. Ang ganda rin ng pagkakaplantsa ng uniform niya tapos yung bag niya pa , parang lalagyan ng laptop. Mukha nga siyang mini professor eh. Kaso, lintek. Iba din pala sa ugali. Malayo sa itsura.

"Would you mind if I tell you na hindi ko chineck ang article mo? Not because walang mali, pero I scraped it off kasi alam kong ganito ang mangyayari" ayan, nagsalita na si Dani. Ofcourse, she'ss pissed off. Sa aming tatlo kasi, siya ang pinakamapapagalitan kasi siya ang nag-aact as head.

"So kasalanan kong naipublish niyo 'yun? Don't blame me guys. I just submitted my article.  Tapos! Kayo na ang may hawak non, so it only proves kung gaano kayo kapabaya sa pagmamando ng Gazette ng school na ito" tatayo na sana si Ashton nung hinawakan ko ng mahigpit ang braso niya, sinadya kong ibaon yung kuko ko dahilan para mapangiwi siya at maupo ulit.

Laying under the same starsWhere stories live. Discover now