Starting line

5 0 0
                                    

"Oo, nakapag-exam na ako dun" I answered him. Andito ako ngayon sa kwarto ko, mamaya pa naman ang pasok namin. Afternoon shift kasi kami.

"Eh kamusta naman?" sagot ni Ray. Kaklase slash friend slash seatmate ko. Mukhang timang! Eh pareho na man kaming nag-exam so I bet alam niya kung kamusta yun.

"Kung sapukin kaya kita mamaya sa school?" Nakakaasar kaya. Nagtanong pa kasi ng patanga , ayan tuloy sinagot ng pabara. People these days. Nako.

"Hahaha! Okay okay. Chill nga lang dyan, Mika." Di pa rin natigil sa paggiggle si Ray sa kabilang linya. Makakasigaw talaga ako ng wala sa oras. Ang sama pa naman ng gising ko.

"Mika?" he called me out nung napansin niyang di ko na siya iniimik.

"Oh? You know still hanging here" sabi ko. Haaaaays! If it wasn't about that dumb, I should be in the mood today. Haler? Crush ko kaya kausap ko. Hahaha! Wala eh close kami ni Ray since I don't know when but yeah, He's so good that's why I like him, like a lot pero waaaah! I'm not really in the mood right now.

"Still hanging in that little chance, Miks?" Oh god! He's bringing it up again. Lagi na lang but I guess I should just go with it kaysa naman mahalata niyang sya yung gusto ko tapos iwasan niya ako. Eh di nawalan ako ng close boy friend.

"Yeah, sometimes you got to take that little chance, nobody knows that little could be any bigger" He was thinking about Ash. He was pushing me always to that guy. Hindi naman sa nandidiri ako doon pero kasi hindi ko naman siya nagustuhan. Mabuti naman siyang tao, tahimik at matalino. Kalaban ko siya sa ranking, siguro isa yun sa factors kung bakit di ko siya matype-an kasi rival ang tingin ko sa kaniya. Pero wala eh, go with the flow na lang ako sa trip netong si Ray.

"And how I wish pumasa tayo sa exams" I tried to divert the topic para wala na siya ibang masabi pa. Kinuha ko yung unan ko tapos pinatong ko sa lap kong nakaindian sit tsaka ipinatong dun yung braso ko.

"Sure ball na yung spot mo doon. I shouldn't have asked you how it was. You looked chill habang nag-eexam ka eh" Ohmygod. What the heck did he just said? Tinitingnan niya ako habang nag-eexam? Naman! Alam na alam netong magpakilig eh kaya andaming nahohook na babae dito.

"Nako, sabihin mo kamo yung katabi ko yung tinitingnan mo. Wag ka ngang pa-echos dyan" pabiro kong sabi. Kung hindi ko lang talag masyadong kakilala si Ray, iisipin kong crush ako neto. Close kasi talaga kami. I heard him laugh harder this time and it somehow made me smile. Pinag-uusapan namin yung entrance exam sa isang exclusive and private school dito sa province namin. Nagbabakasakaling makapasa since nahihirapan kaming maghanap ng school na mapapasukan. Incoming senior high school na rin kasi kami and still puzzled but I chose to take the STEM track tapos si Ray, HUMSS daw.

"Miks, I really like you! Hahahaha!---you know me big time" hindi pa rin siya natigil sa medyo mahina na niyang tawa this time.

"I like you too hihi" I almost said in whisper. Napatakip ako ng bibig, medyo kinikilig kase ako hahaha. Ano ba naman 'yan, Ray!

"A-ano sabi mo?"  Ay? Nagstutter? Nashookt ang kuya mo. WAIT. WHAAAT?! Narinig niya? Ohmy. I thought he was busy laughing at me.

"I like you mo mukha mo kamo! Pektosan talaga kita mamaya" grabe! Super effort akong magsound na medyo naasar para kunware wala siyang narinig. Bright idea, Mikael. Hahaha

Laying under the same starsWhere stories live. Discover now