"I'll take this sheet with me, Ray" sabay ibinulsa ang huling pahina ng notebook niya na may Morse Codes. Yun yung pahina na ginawa ng kapatid niya na may series ng dots and dashes sa bawat letter. One of the ciphers na ginagamit na cryptography and used to convey secret messages.
"Kinuha mo na, may magagawa pa ba ako?" naglalakad na kami papuntang room kasi tapos na ang break. Tinahak namin ang daan at napansing may iilang lumalabas ng ng mga rooms nila gayong class hours na.
"Wala ata tayong teacher" sambit ko sa kaniya. Tumango lang siya kaya pumasok na kami sa room. Nagkakatuwaan lang pala. Yung iba nagchichismisan. I looked around. Walang Ashton Seva ngayon. Nasaan na naman kaya 'yun?
"Akin na 'yan" sabay kuha ni Ray ng bag ko. Napansin niya atang wala pa akong balak maupo kaya kinuha na niya iyon saka nagtungo sa dulo ng gitnang row. Nilapitan ko naman si Zirco, news writer namin.
"Zircs" pagtawag ko ng atensyon niya. Sakto mag-isa lang siya ngayon kaya tinabihan ko na.
"Yes, Mika?" Napalingon siya sa akin at saka isinara ang binabasa niyang libro.
"Kunin mo kay Ashton yung Math notebook niya mamaya. Palihim lang ah?" I whispered into his ear. Nakita kong napakunot ang noo niya.
"What for? Wala ka bang notes? Pwede ka namang manghiram na lang sa akin?" Tsk. Kukunin niya sana yung math notebook niya sa bag niya kaya agad ko siyang pinigilan.
"Zirco, this may help sa isyu natin sa Gazette. Yung paninira kay Mam Conda" sabi ko ng halos ikinikiskis sa bawat isa ang mga ngipin ko. I had a bright idea sa kung paano ko 'to mareresolba.
"Ano bang laman ng notebook niya?" Ay tanga. Malamang notes, pero hindi yun ang kailangan ko. Kinuha ko sa loob ng bulsa ko yung papel na pinunit ko sa notebook ni Ray. Yung Morse Code atsaka ipinakita iyon sa kaniya.
"Math notebook ang paboritong notebook ni Ashton,di ba? He's fascinated with numbers. And that notebook will prove whether I'm thinking it right. You just have to get his notebook and pass it on me. Mamaya bago mag-uwian, may meeting ang Gazette staffers and hand it on me on my cue. Okay? .....................And this is mandated by the Associate Editor---Mikael Drianna Torrealba"
Agad akong umalis. I don't want to hear his buts. Kapag nagsabi akong mandate, mandate. Kailangang sundin kung hindi, may kapangyarihan akong palitan sila. Hindi sa ginagamit ko ang kapangyarihan ko upang makapanglamang ng kapwa pero sa ngayon, kailangan para humupa na ang galit ni Mam Conda. Kung hindi baka lahat kami ang mapalitan.
Nagtungo na ako sa upuan namin ni Ray.
"Anong sabi mo kay Zirco? "
"I told him to do something about Ashton's Issue" tinupi ko ulit ang papel at this time inilagay ko na sa loob ng case ng phone ko.
"Oo nga pala, Ray. Pwede mo bang tawagin si Bryan? " nagsmile lang siya tsaka tinungo ang upuan ni Bryan. Ilang segundo lang ay nakaupo na siya sa harap ko.
"Oh? Mika, pinatawag mo raw ako?"
"Bryan, di ba ikaw naglay-out nung first edition ng gazette natin?" tumango naman siya. Si Bryan kasi ang lay-out artist namin kaya sa kaniya ang pagtatype ng articles , pag-aayos nito sa bawat page at pagfifinal touch ng gazette.