LUTSS [III] Sleep Over

4 0 0
                                    

Nakarating kami sa bahay ng naglalakd lang kami Ray since malapit lang naman sa school. Grabe yung pagpipigil ko na huwag isiping makipagholding hands dito kay Ray. Shempre patience is a virtue kaso waley eh, ni hindi man lang hinawakan yung kuko ko. Jusko, stress na stress ako kanina kay Ashton , pero fairness, solved na ako makasama umuwi 'tong si Ray tapos inaakbayan niya ako pauwi tapos yung fact na sa bahay siya maututulog. Kilig! Whew!

Pumasok na kami tapos naabutan si nanay na nanunuod ng TV kaya agad akong lumapit at nagmano.
"Nay, magandang gabi po" sabay lagay ng bag sa tabi ng sofa na inuupuan ni nanay. Sumunod naman si Ray at nagmano rin kay nanay.

"Oh Raymundo! Nandito ka pala" sinimangutan naman kaagad ni Ray si Nanay. Yung mukha niya parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Haha! Lakas talaga mang-alaska ni nanay.

"Tita naman! Raymund po, hindi Raymundo" napasalampak sa sofa si Ray.
"Nanay, Ray na lang nga ho kasi ang itawag niyo sa kaniya. Nagmumukha daw kasi siyang makaluma" saad ni Klyde na lumabas mula sa kusina at may dala-dalang juice. Si Klyde ang kapatid ko. 4 na taon ang agwat namin. Sa ngayon 16 na ako at 12 naman si Klyde. Kami lang naman ang magkapatid kasi nung ipinapanganak si Klyde nagkaroon ng komplikasyon kaya nacesarian si nanay.

Inilapag niya naman yung pitsel sa center table.
"Oo nga po, tita. Sa taglay kong kagwapuhan mukha bang makaluma ito? Batid ko namang nababagay saakin ang pananagalog ngunit hindi naayon sa aking mukha ang pagiging isang makata" nakatayo sya sa harap namin na para bang nagdedeclamation. Oo na, gwapo ka na sa lagay mong 'yan. Ray enebe.

"Ngunit ginoo, batid mo bang mas nakakahalina ang mga kalalakihag magaling sa larangan ng panulaan? Mas nakakaakit ang isang binata na may taglay na talinhaga" suhestiyon ko kaya agad naman akong sinamaan ng tingin ni Ray. Haha! Asar talo. Binigyan niya naman ako ng ano-sa-tingin-mo-ang-ginagawa-mo-look. Haha! Pero seryoso mas gwapo siyang tingnan kapag ganiyan siya. Paano pa kaya yung mahilig 'to sa tula? Eh di mas lalo siyang kagusto-gusto. Ayieeee!

"Binibini, iginagalang ko ang iyong pananaw ngunit I think I'm better as Ray and speaking the english language" hahaha! Muntanga talaga 'tong si Ray! Yay! Napakaconyo!

"Eh kung pag-umpugin ko na lang kaya kayo, Ate at Kuya? Gandang ideya ano?" Saad ni Klyde sabay upo sa kabilang upuan.

"Hay nako, magsitigil na nga kayo. Teka nga, Mikael, ipaliwanag mo nga kung bakit nandirito itong si Ray" mukhang nainis na si nanay sa gulo namin. Haha! Pinapanuod niya kasi yung paborito niyang palabas.

Matagal na kaming magkaibigan ni Ray, so ibig sabihin, matagal na rin akong may pagtingin sa kaniya. Minsan nadalaw siya dito sa bahay pero ngayon, pangatlong beses palang siyang makikisleep over sa amin.

"Ah kasi po may bisita sila Ray sa bahay nila tapos ayaw niya umuwi. May gagawin din po kaming project ni Ray. Pwede ba siya ditong matulog?" Saad ko habang nagsasalin ng juice sa mga baso.

"Oo naman! Basta ba pag-umaga'y siya ang magluluto ng agahan" napangiti ako. Si nanay kasi sanay siya na kapag dito natutulog si Ray, eh siya ang pinapaluto. Magaling kasing magluto si Ray kasi kusinero ang papa niya at nagluluto ito sa isang resto malapit sa bahay nila.

"Uy si tita, hinahanap-hanap mo pala po ang lasa ng mga niluto ko. Sige tita, pagbibigyan ko ho kayo" tumayo siya at parang nag gun salute sa harap ni nanay.

"Pabor din naman sa akin at hindi ako gigising ng maaga" pagdugtong ni Nanay. 50 yrs old pa lang si mama at malakas pa. Isa siyang teacher samantalang si papa, tricycle driver at gabi na kung umuwi. Payak lang naman ang pamumuhay namin kay sanay na kami mamuhay ng simple. Ganon din naman sina Ray. Medyo nakakaangat nga lang sila ng kaunti dahil nagpapart time job si Ate Brianna.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 29, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Laying under the same starsWhere stories live. Discover now