P

4 1 0
                                    

Matulin siyang tumatakbo.

Natatakot siyang lumingon. Hanggat maaari ay gusto na niyang umalis sa lugar na ito.

Nag-uumpisa na siyang mapagod pero ang puso niya ay nag uumpisa naring makaramdam ng poot. Poot sa mga taong ni minsan ay hindi siya hinayaang sumaya.

Hindi niya akalaing ang pagtulong sa kapwa ay siya ring magiging dahilan nang pakikipagpatintero niya kay kamatayan.

Napangiti siya ng mapait.

Napapagod na siya.

Mali.

Pagod na pagod na siya.

Hinayaan niyang madapa siya sa isang malaking ugat ng puno.

Hinayaan niyang masugatan siya.

Hinayaan niyang kainin siya nang pagod na kanyang nadarama.

Hinayaan niyang tumulong muli ang kanyang mga luha kasabay ng pag agos ng dugo sa mga sugat niyang natamo.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata at Dinama ang patak ng ulang unti unting bumabagsak sa kanyang katawan.

Alam niyang ilang sandali ay maaabutan na siya ng mga taong humahabol sa kanya.

Ngunit wala na siyang pakialam. Hindi niya narin kayang tumakbo kaya hihintayin niya nalang ang katapusan.


"It's time.."

It's TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon