C1

7 0 9
                                    

Panay sulyap ako sa wrist watch ko habang naghihintay umusad ang pila dito sa jollibee.

Walanjo! Sa pagpila palang ubos na ubos na ang isang oras ko. Bakit kasi ang daming tao dito ngayon? Kanina pa ako nagugutom, tapos malapit nang mag one o'clock. Hindi ako pwedeng malate ngayon dahil may exam kami sa history. 

Napabuga nalang ako nang hangin sa sobrang inis, sakto namang humarap saakin ang babaeng nasa harapan ko. Sapul!

"Kadiri ka naman miss!" Tili niya. Ang OA!

Napairap ako. "Miss hindi ko kasalanan yun. Aba bakit kasi humarap ka bigla?"

"So ano? Kasalanan ko pa?!" Namumula na siya sa galit. Nakakaagaw narin kami ng atensyon. Great!

"Oo." Simple kong sagot.

"Aba! Walanghiya ka!" Nagulat ako nang tinulak niya ako  bigla. "Ang baho baho pa ng hininga mo! Kadiri ka!"

Wtf?! Ako mabaho hininga? Is she serious? Footspa! Kahit bagong gising ako hindi ako bad breath. Alagang close up to no.

"Hoy miss!" Tinulak ko rin siya. Para tie. Ano? Siya lang ang mangtutulak? No way! "Para sabihin ko sayo, mas mabango pa ang hininga ko kesa sayo. Kahit duraan kita mabango parin yan. At anong sabi mo? Walanghiya ako? Well, medyo lang aminado ako doon. PERO. Capital P-E-R-O. Ang cool mo naman, imagine halos tatlong dangkal ang layo natin sa isa't isa naamoy mo padin ang mabango kong hininga? OMG! Ang totoo, may sa aso ka no?" Nginitian ko siya ng ubod ng tamis.

Narinig ko ang tawanan sa paligid namin. Oh great! Nasa amin na nga ang atensyon.

"Y-you!" Nanggigigil siya habang dinuduro ako.

"Oh yes! It's me. I was wondering if after all these years you'd like to meet."

"HELLO!" Sigaw nung nasa likuran ko.

"Mismo!" Natatawang hinanap ko ang sumigaw at nagthumbs up dito.

"Argh! Bitch!" Tili ni miss OA sabay walk out.

Natawa nalang ako. Nawalan na tuloy ako nang gana. Lumabas nalang ako nang jollibee at tumawid papuntang mcdo. Magmomove on ako sa nangyari kanina!

Buti nalang konti lang ang nagmomove on ngayon kaya nakaorder rin kaagad ako. Take out nga lang dahil malalate na ako. Doon nalang ako sa school kakain.

*****


"ANO BA kasing kailangan mo kuya Ram? Saka anong ginagawa natin dito? Sinong inaabangan natin?" Sunod sunod na tanong ko. Hindi na ako nakapasok pa sa history class namin. May bigla nalang kasing humila sa akin at sapilitan akong pinasakay sa kotse which is si kuya ram ang may pakana. Isa siya sa malapit sa amin ng grammy at kapitbahay narin. Nandito kami ngayon sa loob ng kotse niya at nanonood sa mga taong papalabas sa building na kaharap namin.

May iniistalk kaya ang kuya ram ko?

I wonder.

 Naalala ko nanaman ang exam namin sa history. Nanlulumo akong napasandal sa kinauupuan ko. Ilang araw na nga akong hindi pumapasok dahil walang mag aalaga kay grammy kasi may sakit tapos hindi pa ako makakakuha nang exam sa history. Jusko baka singko na ang grado ko nito!

"Ano ba kuya? Exam namin ngayon sa history, tapos kinaladkad mo ako at dinala dito para lang samahan kang mang stalk? Ang gara mo naman! Alam mo namang ilang araw akong hindi pumasok sa school dahil may sakit si grammy diba? Nakakainis ka?!" Mangiyak ngiyak ako habang hinahampas siya sa braso.

It's TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon