"Apo kumain kanaman. Ilang araw ka nang nagkukulong dito sa kwarto mo." Bungad sa akin ng nag-aalalang mukha ni grammy.
Napabuga ako ng hangin. Simula noong araw na iyon ay parang nawalan na ako nang gana sa lahat. Ilang araw narin akong hindi pumapasok. Hindi rin ako lumalabas sa kwarto ko.
Nagkukulong habang inaalala ang mga memories ko with him.
I always asked myself kung ano nga ba ang kulang sa akin at bakit ginawa iyon ni victor.
Feeling ko nga naubusan na ako ng tubig sa katawan, wala na kasing pumapatak na luha sa mga mata ko.
"Susunod nalang po ako grammy. Mag-aayos lang po ako."
"Sige apo. Naghihintay narin ang kuya ram mo sa baba. Kinakamusta ka." Tumango lang ako at pumasok na sa banyo.
Nagdesisyon akong pumasok ngayong araw. Tama nang pagmumukmok, wala narin namang saysay. Sarili ko lang ang pahihirapan ko.
Malalim ang pagkakasaksak sa puso ko pero alam kong makakaya ko ito. Panahon na para sarili ko naman ang mahalin ko.
Napabuntong hininga ako at binilisan ko nang mag-ayos sa sarili ko.
Pagkababa ko sa hagdan ay nakita kong seryosong nag-uusap si grammy at kuya ram. Hindi nagtagal ay tumingin narin si kuya sa direksyon ko.
Tumayo siya at sinalubong ako nang yakap. "How are you baby?" Pinasadahan niya nang tingin ang kabuuan ko. "Where are you going?" Nakakunot na ang noong tanong nito.
"School." Simple kong sagot.
"You sure? I mean look at you. You look like a-" hindi na niya natapos ang sasabihin nang putulin ko iyon.
"Zombie. I know. My face is a big mess right now but I need to go. May presentation kami ngayon."
"Apo hindi kaba muna kakain?" Singit ng grammy niya.
"Hindi na po grammy magdadrive thru nalang po kami ni kuya ram. Ihahatid niya po ako." Humalik na ako sa pisngi ni grammy at Hinawakan na sa braso si kuya ram. "Leggo na kuya."
"My choice paba ako?" Napapailing nalang tanong niya. "Alis na po kami lola." Paalam niya kay grammy.
"Oh siya, sige. Humayo na kayo at mag-iingat. Ang bilin ko sayo Ram ha."
"Opo lola."
Ano kaya ang bilin ni lola sa lalaking to? Nagkibit balikat nalang ako. Labas naman siguro ako doon.
*****
Nandito ako ngayon sa likod ng school naka tambay. Malayo sa ingay. Katatapos lang nang presentation namin. Napapailing nalang ako dahil wala manlang akong naitulong sa kagrupo ko. Buti nalang mabait si Liza at siya nalang nagpaliwanag sa part ko. Alam nilang lutang ako, kaya di na nila ako tinanong.
Lumakas ang ihip nang hangin. Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ito. Hindi ko naman namalayang nakatulog na pala ako.
Naalimpungatan ako sa kagat ng mga lamok. Madilim na pala, tinignan ko ang oras sa phone ko.
31 missed call and 23 text messages.
Galing ito kay grammy at halos lahat ay kay kuya ram. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung anong oras na.
9:12 pm!
Shit! 5hrs akong nakatulog. Kung hindi dahil sa mga lamok baka bukas pa ako magising nito. Tumayo na ako at akmang pupulutin na ang bag ko nang may makita akong papel.
BINABASA MO ANG
It's Time
Mystery / ThrillerMatulin siyang tumatakbo. Natatakot siyang lumingon. Hanggat maaari ay gusto na niyang umalis sa lugar na ito. Nag-uumpisa na siyang mapagod pero ang puso niya ay nag uumpisa naring makaramdam ng poot. Poot sa mga taong ni minsan ay hindi siya hinay...