Nasa tapat na kami ng pinto. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko magawang kumatok dahil nanginginig narin ang mga kamay ko sa sobrang kaba. Natatakot ako.
Nagulat ako nang bumukas ang pinto. Napatingin ako sa lalaking kasama ko. "I know you can't baby, but I want you to be strong. And again, no matter what happen I'm always here." Ibig sabihin hindi nakalock ang pinto.
Dahan dahan akong pumasok. Iniwasan kong makagawa ng ingay. Nakarinig ako ng kalabog sa hindi kalayuan. Nagmumula iyon sa kusina. Nanginginig man ay humakbang akong muli patungo doon. Kusa nalang tumulo ang aking mga luha nang makitang may pambabaeng damit ang nakakalat sa sahig. Para bang itinapon nalang ang mga iyon ng may-ari basta basta.
Pinunasan ko ang luha ko. Hindi. Hindi ako dapat panghinaan ng loob. Hindi iyon magagawa sa akin ni victor. Mahal niya ako. Nakarinig ako ng mga ungol. Sunod sunod akong napalunok.
Natulos ako sa aking kinatatayuan. Biglang huminto ang mundo ko.
Nasa harap ko ngayon ang kasintahan ko na may kahalikang iba. Nakapulupot ang dalawang binti ng babae sa kanya and she's almost naked. Wala naring damit ang lalaki pwera sa boxer niyang suot. Napahawak ako sa dibdib ko. Parang pinipiga iyon at tinutusok ng karayom.
Ang sakit..
Nanlalaki ang mata ng babae nang sa wakas ay makita niya ako. Kaya napatigil siya sa paghalik sa aking kasintahan.
"What?" Iritang tanong ni victor sa babae at lumingon sa gawi ko. Halatang nagulat siya pero nawala rin iyon. "What the hell are you doing here?!" Galit na tanong niya sa akin.
"V-victor.." Napaluhod na ako sa sobrang sakit. Wala parin akong tigil sa pag-iyak. "H-hindi ito totoo d-diba? I-inakit k-kalang niya. Alam ko m-mahal mo ako. A-ako lang diba? Ako lang. Sabihin mo p-please. Sabihin mo."
"You're pathetic." Mapang-uyam na sabi niya sa akin. "You want me to be honest? Okay, I don't love you. I never love you. Kahit katiting hindi kita minahal. You're boring. I have needs, and hindi mo iyon kayang ibigay. Kaya lang naman kita niligawan dahil nachallenge ako sayo. Pero nakakasawa ka. Oh, by the way I cheated on you since the very first day we're official. Akala ko pa naman makakascore ako sayo." He chuckled. "You don't even know how to kiss." Natatawang napapailing siya.
"V-victor hindi yan totoo." Umiiling ako. Hindi iyon totoo. Nagsisinungaling lang siya. Mahal niya ako.
"Well that's the truth. You're too plain. Boring. And this is Michelle." Inakbayan niya ang babaeng katabi. "She's my girlfriend. Isn't she lovely? By the way she's wild too...In bed." Nakangising sabi nito.
"A-ako ang girlfriend mo! Ako ang mahal mo!" Sigaw ko.
He chuckled. "You're nothing. And we're done."
Parang piniga ang puso ko sa mga sinasabi niya. Hindi ko akalaing mangyayari ito. Ang lalaking minahal ko nang lubos at halos ginawa kong mundo ay hindi pala ako mahal. Ang sakit. Ang sakit sakit. Parang napakaraming karayom ang tumusok sa puso ko. Sinugal ko ang puso ko sa larong umpisa palang pala ay talo na ako. Bakit ba ako nagpadala sa mga matatamis niyang salita? Bakit kasi hinayaan ko ang puso ko ang umiral at hindi ang utak ko? Ngayon ako ang mas nasaktan.
"Go home na girl. Nakakaawa kana eh." Sabi sa akin ng babae at humagikgik.
May humawak sa balikat ko. Lumingon ako at nakita ko si kuya ram. Lalo akong napaiyak. Kaya pala, kaya pala todo paalala siya sa akin dahil alam niya kung ano ang mangyayari. "K-kuya.."
"Ikaw ba ang nagdala sa kanya dito Dela Vega?" Narinig kong tanong ni victor.
"Bistado kana gago!" Alam kong galit na galit rin ang kuya ko.
Tumawa naman nang malakas si victor. "Playing hero? Pero Ang hina mo pala diyan pare. Ngayon mo lang nakumbinsi." Nakakalokong sabi niya.
Sa sobrang bilis ng pangyayari nakita ko nalang na nakahandusay na sa sahig si siya habang hawak hawak niya ang ilong na dumudugo.
"Gago ka! Minahal kalang naman ni Tim pero ito pa ang isinukli mo sa kanya. P*tangina mong gago ka!" Akmang susugurin niya ulit pero inawat ko na siya. Kahit niloko lang ako ng gagong iyan ayoko paring nakikita siyang nasasaktan. Tanga na kung tanga, nagmahal lang ako.
"T-tama na kuya. Uwi na tayo. Ayoko na. Pagod na ako."
"Baby.." lumamlam ang mata nitong nakatingin sa akin.
"How sweet." Sarkastikong sabi ng babae sa amin.
Napintig ang tenga ko sa narinig. Naikuyom ko ang kamao. Kanina pa ako nagpipigil dahil mahal ko ang lalaking ngayon ay boyfriend na nang malanding iyan.
Mas lalong uminit ang dugo ko sa kadahilanang siya na nga ang bago.
Nilapitan ko siya at sinampal. Nagulat siya sa ginawa ko pero wala na akong pakialam. Hindi pa ako nakuntento ay sinuntok ko pa siya sa mukha. Nakita kong dumugo ang ilong niya.
"Ayan. Bagay na bagay na kayong dalawa." Tumalikod na ako at hinila si kuya ram. Pero bago kamj makaalis sa kusina ay humarap muna ako sa taong nanakit sa akin. Wala parin siyang imik. "Nagsisisi akong nakilala kita. Nagsisisi akong ginawa kitang mundo ko. Nagsisisi akong nagtiwala pa ako sayo. At nagsisisi akong minahal ko ang isang tulad mo. Oo nasasaktan ako dahil sa ginawa mo, but it doesn't mean na I can't live without you. Ulol! walang ganoon." Pinunasan ko ang luhang dumaloy sa aking pisngi. "Oo nga pala, hiyang hiya naman ako sa ipinalit mo sa akin. Maganda siya at sexy. Wala nga akong panama. Pero kahit na ganoon paman, medyo masaya parin ako. Alam mo kung bakit?" Tumingin siya sa babae at ngumiti. "Hindi ko naisuko ang bandera ko sa flagpole mo. Atleast ako puso ko lang ang nawasak at Malinis na malinis pa. Eh yang girlfriend mo?"
"How dare you!" Tili ng nobya niya.
"Yes how dare me. Di na ako magtataka kung bakit walker ang apelyido mo victor. Mahilig ka kasi sa mga pawalk. Diba miss?" Nginitian ko siya ng nakakaloko at hinila na ng tuluyan palabas si kuya.
*****
"BABY tama na yan. Magkakasakit ka niyan eh."
Kanina pa ako pinipigilan ni kuya sa pagkain ng ice cream. Pangatlong galon na itong hawak ko.
Masakit ang puso ko, kumikirot kaya kailangan munang malamigan. Saka ice cream lagi ang nagpapagaan ng loob ko pero nagtataka ako bakit walang ipekto ito ngayon.
Napangiti ako ng mapait.
Bakit pa kasi nagtiwala ako sa hudas na iyon. Bakit hindi ko nalang pinaniwalaan ang sinabi nang kuya ram ko noon na walang maidudulot na maganda sa buhay ko si victor. Ngayon nagsisisi ako na sinuway ko ng ilang beses si grammy para lang sa lalaki na iyon.
Napabuntong hininga ako. Bakit kasi ang tanga tanga ko? Nag-uumpisa nanamang tumulo ang mga luha ko. Ang sakit ng dibdib ko. Ang sakit ng puso ko. Hinampas hampas ko ang dibdib ko baka sakaling maibsan ang sakit.
"Baby stop that!" Hinawakan niya ang kamay ko.
"K-kuya ang sakit. Ang s-sakit sakit." Tuluyan na akong napahagulgol. "Ano bang nagawa ko para mangyari sa akin ito? Minahal ko lang naman siya. Dahil ba hindi ko maibigay ang dati niya pang gusto? Ibibigay ko naman sa kanya eh. Kapag nagpakasal na kami. Gusto ko lang naman na nasa tama ang lahat. S-sabi niya, hindi niya daw ako mahal. Hindi ba ako karapat dapat na mahalin? Bakit ganun kuya? Bakit?" Niyakap niya lang ako ng mahigpit.
"Baby lagi mong tatandaan na karapat dapat kang mahalin. Tanga lang ang walker na iyon dahil pinakawalan kapa. Siya ang nawalan, hindi ikaw. At Maraming taong handang ialay ang buhay makita kalang na masaya. Hindi mo man sila nakikita pero nakikita ka nila. Binabantayan ka at pinoprotektahan."
Napakunot ang noo ko sa huling sinabi niya. Weird. "Kuya nakadrugs kaba?"
Natawa siya sa tanong ko. "Baliw. Tama na nga yan. Uuwi na tayo. For sure nag-aalala na sayo si Lola Carmen."
He started the engine of his car and drive. At sinimulan ko na ulit kainin ang ice cream ko.
Hindi ko maiwasang alalahanin ang nangyari kanina.
Why victor? Why?
BINABASA MO ANG
It's Time
Mystery / ThrillerMatulin siyang tumatakbo. Natatakot siyang lumingon. Hanggat maaari ay gusto na niyang umalis sa lugar na ito. Nag-uumpisa na siyang mapagod pero ang puso niya ay nag uumpisa naring makaramdam ng poot. Poot sa mga taong ni minsan ay hindi siya hinay...