Chapert 14: The Revelation

22 0 0
                                    

Dane's POV

"Kenzie?!" sabi ko

"Susuko ka agad?! Hindi mo panga ako nakikita!" sabi niya

"A-kala ko kasi nasa bahay ka na" sabi ko

Bigla siyang tumalikod sa akin

"Bakit mo pa ako hinanap? Sana pinabayaan mo na lang ako. Hindi kita kailangan" sabi niya habang nakatingin sa dagat

"Ikaw ba, magagawa mo na lang bang pabayaan ang taong mahal mo na mag-isa sa lugar na hindi mo alam?" sabi ko sa kanya

Kenzie's POV

"Ikaw ba, magagawa mo na lang bang pabayaan ang taong mahal mo na mag-isa sa lugar na hindi mo alam?"  sabi niya sa akin

Nakatingin lang ako sa dagat at bigla kong naalala yung ginawa ko kanina. Pinuntahan ko pa siya at dinalhan ng jacket dahil alam kong malalamigan siya. Para akong tinamaan sa sinabi niya.

"Kenzie, mahal mo ba ko? Kasi ako mahal na mahal kita. Kahit ipagtabuyan mo pa ako ngayon hindi ako aalis kasi mahal na mahal kita" sabi niya.

Nagulat ako ng biglang may naramdaman akong may yumakap sakin mula sa likod.

" I love you Kenzie, ever since the first time i saw you. I wish you also feel the same" sabi niya then he planted a kiss on my cheeck

Is this just a dream, cause if it is, its not funny anymore

"I love you too Dane" sabi ko

Bigla niya akong inilingon sa kanya

"M-mahal mo rin ako?!" sabi niya habang may ngiti sa mukha niya

"Pero..." sabi ko

"Pero ano Kenzie? M-may problema ba sakin?" sabi niya

"No. its just not the right time" sabi ko

"Not the right time for what?' sabi niya

"Not the right time for this. For this love thing" sabi ko

"Natatakot ka ba sa pwedeng mangyari?" sabi niya. I just nodded

"Just let me love you. At ako na ang bahala sa lahat ng posibleng mangyari" sabi niya

"But..." sabi ko pero hindi niya ako pinatapos

"No buts. Sabi ko na sayo ako na ang bahala" sabi niya habang nakayakap sa akin

Hindi na lang ako umangal pa. Sana lang at hindi mali ang naging desisyon ko na pumayag sa kanya

Miracle's POV

"Bilisan mo naman magdrive!" sabi ko

"Ito na nga eh! Nagmamadali na nga ako magdrive" sabi ni JC

Nabibwiset na ko sa isang toh eh, mabilis daw siya magpaandar eh mas mabilis pa magpaandar yung mga matatanda sa kanya.

"Itigil mo yung kotse!!' sigaw ko

Bigla niyang pinahinto yung kotse

"Bakit nanaman?!" sabi niya

"Bumaba ka dyan" sabi ko

"Bakit?" sabi niya

"Ako ang magda-drive" sabi ko

"Pero... Oo na! Aray! Sige na ikaw na ang magda-drive!" sabi niya

"Marunong ka naman palang sumunod eh" sabi ko

Pagkatapos naming magpalit ng pwesto

"Sure ka bang marunong kang magdrive?" sabi niya

"Let's see. Just enjoy the ride" sabi ko

JC's POV

Lord~! Please ayaw ko pang mamatay. Gusto ko pang mabuhay ng matagal dito sa mundo~ SHIT! PArang nasa drag racing lang kami sa bilis.

"Bagalan mo naman yung pagpapaandar Miracle" sigaw ko

"Ano?! hindi kita maintindihan?!" sabi niya pero halatang niloloko lang ako kasi naka ngisi ang loko

"Sabi ko ang bilis mo magpatakbo!" sigaw ko ulit

"Huh?! Bilisan ko pa yung pagpapaandar?!" pagkasabi niya nun lalo pang bumulis yung andar ng kotse. napapikit na lang ako sa takot na bumangga kami. Lord kung saka-sakaling mamatay kami wag naman po maging lasog-lasog yung katawan ko. Ayaw kong mamatay ng pangit

Pagkatapos ng ilang segundo ay biglang huminto yung kotse

"Pwede ka ng dumilat nandito na tayo" sabi niya pero hindi ko maidilat yung mata ko sa sobrang takot

"Huy! dumilat ka na. nandito na tayo" sabi niya

"Ayaw ko. Baka mamaya pagdilat ko nasa heaven na pala tayo!" sabi ko

*PAK*

"Aray bakit mo ginawa yun?!" napadilat tuloy ako. Ang lakas mambatok, parang matatanggal na yung ulo ko sa lakas.

"Ang OA mo naman nasa heaven?! Bakit sa tingin mo mapupunta ka dun?! Wag kang mangarap! Ulol!" sabi niya

"Ang sakit mo naman manalita. Para kang lalaki kung magsalita" sabi ko

"Bahala ka sa buhay mo. Basta ako hahanapin ko sila kenzie" sabi niya sabay baba ng kotse

"Huy! Hintayin mo ko sandali!" sabi ko sabay labas din sa kotse

"Ano ba sabi ko san---" bigla niyang tinakpan yung bibig ko

"Wag kang maingay kundi sasapakin kita hanngang makatulog" sabi niya sa akin

Tumango na lang ako sa takot ko sa sinabi niya. pagtingin ko sa sinisilip niya nakita ko si Dane at si Kenzie. Nakayakap si Dane kay Kenzie. Umiiyak si kenzie, mukhang nagkaiyakan habang nagkakaaminan. Magandang pang blackmail toh sa kanilang dalawa. Kukunin ko na sana yung cellphone ko sa bulsa ko ng biglang magsalita ulit si Miracle

"Subukan mo lang" sabi niya kaya inilayo ko agad yung kamay ko sa bulsa ko.

-----CUT------

-----------------

AN: Hanggang dito lang muna gusto ko pa ng part three para thrilling. Hope you guys like this chapter. Don't forget to vote <3

The MONSTERS BITCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon