Chapter 16: Blackmail xD

18 0 0
                                    

Miracle's POV

"Ayoko pa sabing pumasok eh. Kung gusto mo mauna ka na, basta hindi muna ako papasok" Miracle

"Bakit ba kasi ayaw mo pang pumasok? Pumasok na tayo sa loob, sobrang lamig na dito sa labas" JC

Bwisit na kupal ito. Kakatapos ko lang sagutin--este-- pagkatapos niya akong sapilitang sagutin siya eh pinipilit na agad akong pumasok sa loob ng resthouse para daw masabi niya na agad sa iba na kami na. Kung hindi ba naman siya nahihibang eh noh?!

"Bilis na kasi, atat na atat na akong sabihin sa kanila na tayo na eh" Sabi niya habang hinihila ako patayo sa pagkakaupo ko sa buhangin

"Eh kung sinasapak kaya kita ngayon para madiretso ka na sa resthouse mo, gusto mo??" Miracle

"Bakit? Kinakahiya mo ba ako bilang boyfriend mo?" Insert puppy eyes ni JC

"Eh ikaw, hindi ka ba nahihiya na malaman nila na binlackmail mo lang ako para maging tayo?" Miracle

JC's POV

"Eh ikaw, hindi ka ba nahihiya na malaman nila na binlackmail mo lang ako para maging tayo?" Miracle

Awtsu naman :'( Talagang pinaramdam niya pa na napilitan lang siya. Umupo na lang ulit ako sa tabi niya at hinawakan ko yung kaliwang kamay niya. Tumingin siya sa akin pero hindi ko siya nilingon. Ang sarap ng feeling na ito, yung moment na ito. Pinapanuod namin yung mga stars habang naka upo sa buhangin, at magka hilding hands pa. Pero ang hindi lang tama dito eh hindi pareho yung nararamdaman namin. Pero someday, i know someday magagawa niya rin akong mahalin. Ang drama ko naman, hahaha xD

Nagulat ako dahil may biglang sumandal sa balikat ko. Lumakas yung tibok ng puso ko. S-si Miracle, nakasandal sa balikat ko. Tapos pinisil niya yung kamay ko, SITAAW!! Miracle ano ba itong ginagawa mo??

"Haha, pinagpapawisan na yung kamay mo" Miracle

Nung sinabi niya yun bigla kong binitawan yung kamay niya. Bigla naman siyang tumingin sakin, at napatingin din ako sa kanya.

"Bakit ka bumitiw?" Sabi niya habang nakangiti

"A-ano kasi, baka malagkitan ka" JC

"Hindi naman ako umangal ah. Ang sabi ko lang pinagpapawisan na yung kamay mo" Miracle

Pagkatapos ay kinuha niya ang kamay ko. Tatangalin ko sana kaso bigla niyang hinigpitan yung pagkakahawak niya sa kamay ko, tsaka niya nilagay sa balikat niya. Yung itsura namin ngayon eh nakasandal siya sakin habang naka yakap ako sa kanya. Lalong bumilis yung tibok ng puso ko.

Dub. Dub. Dub. Dub. Dub.

>.< Puso, tumahimik ka muna. Mamaya kana magingay, baka marinig ka ni Miracle.

"Ang lakas ng tibok ng puso mo JC" Miracle

Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Bigla niyang kinuha yung isa ko pang kamay at nilagay sa kaliwang parte ng dibdib niya.

Dub. Dub. Dub. Dub.

Ang lakas din ng tibok ng puso niya. Ibig bang sabihin nito eh.....

Bigla akong napatingin uli sa kanya. Tumingin muna siya sakin ng seryoso, tapos bigla siyang ngumiti. Tapos, tapos, tapos bigla siya........ Tumawa?!?!?!?!

"B-bakit ka tumatawa?" JC

"You should have seen your face! Hahahahaha xD it was priceless! Hahahahaha" Miracle

"H-huh? Hindi kita maintindihan? Ano ba yung nakakatawa?" JC

"Sa sobrang lakas ng trip ko, akala mo tuloy totoo, Hahahahaha!!" Miracle

Tsaka lang nag sink in sa utak ko yung sinabi niya. -_- masyado akong naapektuhan sa mga pinag gaga-gawa niya, hindi ko na namalayan na pinagtritripan niya na pala ako. Bigla akong bumitaw sa pagkaka-yakap sa kanya at patayo na sana ako ng bigla siyang tumigil sa pagtawa at hinila ang kamay ko.

"Ito naman, masyado kang pikon. Joke lang naman yun eh" Miracle

"Hindi kasi nakakatuwa" JC

"Sorry na. Hindi ko lang kasi alam kung paano ko masasabi sa iyo ito eh" Miracle

Bigla akong napalingon sa kanya, bigla naman niyang binitawan yung kamay ko at bigla siyang yumuko.

"Masabi ang alin?" JC

Miracle's POV

"Nevermind, next time ko na lang siguro sasabihin. Kapag sigurado na ako" sabi ko. Tumayo nalang ako at hinila siya papasok ng resthouse

Pati siguro kayo nagtataka kung ano yun?! Pwes, secret na yun xD malalaman niyo rin yun kapag nasabi ko na sa kanya :)

-----------

AN: Bitiiiin!!! Wala na kasi akong maidugtong eh. Babawi nalang ako sa next chap :) promise!!! Hope you enjoyed reading

The MONSTERS BITCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon