Chapter 23: Wanna Hug?

14 0 0
                                    

JC's POV

WOOHHOO! Nandito na agad kami sa Batangas. Ang ganda ng view dito sa veranda. Ang sarap din ng simoy ng hangin.

Naalala ko nanaman yung maamo niyang mukha. Kasing ganda ng langit ngayon, habang palubog na ang araw. Yung pisngi niya na kasing patag ng buhangin sa tabi ng dagat. Yung mata niya na kulay asul, na kasing kinang ng dagat.

Haiy! mahal ko na nga siya talaga. Haha. Hindi ko na matandaan kung kailan nagsimula itong nararamdaman ko para sa kanya. Basta ang alam ko lang ay mahal ko siya, at walang makakapalit sa pwesto niya dito sa puso ko.

"You were just a dream that i once knew. I never thought i would be right for you. I just can't compare you with anything in this world. You're all i need to be here forever more"

Haiy! Nahulog na ako ng todo sa kanya. Grabe, para na akong nalulunod sa dagat. Sa dagat ng pag-ibig. Kulang na lang ay iligtas niya ako. Hahaha. Sa sobrang pagka in love ko sa kanya nagiging corny na ako. Ang laki talaga ng naging epekto niya sa akin. Love really can drive you crazy. No, let me scratch that part. Love really can drive you insane.

Kailan kaya magiging pareho ang nararamdaman namin sa isa't isa? Mas maaga sana, mas masaya. Kapag sinagot niya lang ako, araw araw ko siyang bibigyan ng bulaklak, chocolates at teddy bear. Kahit na mamulubi na ako. Pero teka, ang OA ko naman na yata. Hahaha. Mamahalin ko nalang siya ng lubusan. Iyon naman ang mahalaga diba? Walang tatalo sa totoong pagmamahal.

"Oh Geez!"

Biglang may yumakap sa akin sa likod. Haha. Siguro si Miracle ito. Sabi ko na nga ba at may gusto narin sa akin ito eh. Pakipot pa siya.

"Haha. Sabi nga ba at may gusto ka narin sa akin eh. Pwede mo namang sabihin sa akin. Huwag ka ng magkaila pa"

Lalo niyang hinigpitan ang yakap niya at nararamdaman ko siyang pinipigil ang tawa niya.

"Bakit mo ako tinatawanan? nahihiya ka bang aminin sa akin na mahal mo ako? Okay lang. Kahit hindi mo na muna sabihin sa akin. Maiintindihan naman kita"

"Hahahahahaha"

"Teka lang. Bakit iba yung tawa mo? Parang panlalaki ang tawa mo? Hahaha. Ang wierd naman para sa babae ang may tawa na panlalaki"

"Ang sweet mo naman. Kung babae lang ako siguro kinilig na ako. Kaso pre sorry, hindi tayo talo. Hahaha"

Shit! napabalikwas ako noong narinig kong nagsalita yung kanina pang nakayakap sa akin. Punyeta! si Dane pala.

"Wala hiya ka! bakit ka nangyayakap?! Tsaka, bakit hindi ka kaagad nagsalita!"

"Hahaha! Ang sweet mo naman JC. Hindi ko alam na pumapatol ka pala sa lalaki. Hahaha"

Geez! nakakahiya -_-" parang gusto ko ng lamunin ako ng lupa ngayon sa kahihiyan, o kaya ay siya nalang yung ibabaon ko sa lupa. Walang hiya siya! Kung ano ano pa naman yung mga pinagsasasabi ko.

Iniwan ko na siya doon. Walang hiya siya talaga -_-" What a great beginning. Pero akala ko siya lang ang makakakita sa kahihiyan ko, meron pa pala.

"Hahaha. Bromance?"

Shit! of all people, bakit siya pa. Bakit si Miracle pa -_-"

- - - -
AN: Hahahaha. Kawawa naman si JC. Double na kahihiyan ang natanggap niya. Haha. Well, hope you guys like it. Ciao!

The MONSTERS BITCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon