Chapter 15: Revelation part 2

19 0 0
                                    

JC's POV

"Subukan mo lang" sabi niya kaya inilayo ko agad yung kamay ko sa bulsa ko.

Grabe nakakatakot talaga yung boses ni Mireacle ngayon. Full of authority o_o! Ikwento ko na lang sa kanila mamaya. Baka kasi pag tinuloy ko yung balak ko na kuhaan sila ng litrato eh mawala na agad ako dito sa mundong ibabaw. Hindi nga natuluyan kanina nung nagdrive si Miracle, natuluyan naman pag nasuntok na ko. Wag! mababawasan ang gwapo lalaki sa mundong ibabaw. Onti na nga lang ang tunay na lalak, mababawasan pa

"Ang tanong lalaki ka ba?" Miracle

"Huh? Nababasa mo yung sinasabi ko sa isip ko?" ako

"Hindi. Magmo-monolouge ka na lang kasi sa utak mo, sinasabi mo pa" Miracle

Hala?! Nasasabi ko na pala yung mga yun. Grabe naman itong bibig ko na ito oh-oh. Tsk, tsk, tsk. malagyan nga ng tape mamaya ng hindi masyadong bumubukas kapag nagsasalita ako sa isip ko. Grabe nakakahiya yun ah, narinig niya kaya lahat ng sinabi ko?

"Ano, dyan ka na lang ba forever? Aalis na kami?" Sabi ni Miracle na nasa tapat na ng pintuan ng driver's seat. Pagtingin ko nasa likudan na niya sila Kenzie at Dane.

"Aiy, andyan na pala kayo. hindi niyo man lang sinabi" ako

"Nakakahiya kasi. Baka maistorbo namin yung pagmo-monolouge mo na pabulong" Kenzie na nakangiti. Aba, bipolar. kanina lang umiiyak ngayon naka ngiti na

"Oo nga kahiya naman kapag nangyari yun" Dane na may ngiti sa mukha. Aba aba! mukhang naka score na ang loko xD hehe maloko nga mamaya

"Tara na gusto ko ng umuwi at inaantok na ako" Miracle. Sabay pasok siya sa kotse. Kahit kelan talaga yung babae yun eh noh.

Pumasok na kaming lahat sa kotse. Noong una sinabihan ko si Miracle na ako na lang ang magda-drive dahil mukhang antok na antok na siya. Ang sagot ba naman sa akin

"Ako na, at baka nagaayos na lang sila ng gamit dahil uuwi na pagdating natin doon sa resthouse. Ang bagal mo pa naman magpaandar, daig ka pa ng matanda magdrive" Miracle, with matching poker face yun ah.

Kaya hindi nalang ako umimik. Grabe ngayon ko lang napansin na nakakapikon din pala yung ugali ng babaeng ito. Masyado kasi akong nadala sa itsura niya eh. Oo May crush ako sa kanya, mula pa noong nagkita kami duon sa NBS. Anyway, back to reality. Kaya all the way back sa resthouse eh tahimik lang ako. Ang tanging ingay lang na maririnig mo sa loob ng kotse ay yung ingay na gawa nila Kenzie at Dane. Pagdating namin ay lumabas na lang agad ako at dumire-diretso sa kwarto at matutulog nalang ako. Bigla kasi akong nabadtrip, ewan ko ba kung bakit. Tss -.- itutulog ko nalang ito para mawala.

Miracle's POV

Ano nanaman kaya ang nasinghot ng kupal na yun at biglang nanahimik. Dahil sa pinakita niya kanina ako ang sinisisi nilang lahat. At ang malupit pa eh kinantahan ba naman ako ng Rude

-----------------------

Why you gotta be so rude?

Dont you know his human too

Why you gotta be so rude?

Your gonna marry him anyway

Marry that boy, marry him anyway. Marry that boy

------------------------

Diba ang lakas ng mga trip nila eh -.- Pero sa totoo lang nagtaka din ako bigla sa kinilos niya. Di kaya tama sila na nasobrahan ako sa pagtataray sa kanya? Bakit ko nga ba din siya tinatarayan in the first place? Aiy! Bwisit naman na buhay ito oh. Pati buhay ng iba pinroproblema ko >.< Hindi ko na lang namalayan na nakatayo na pala ako sa tapat ng kwarto na tinutulugan niya. Kakatok ba ako o hindi? Hindi ko din naman kasi alam kung bakit ako nandidito eh. Kapag kumatok ako at pinagbuksan niya, ano naman ang sasabihin ko?

The MONSTERS BITCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon