Part 4

12.9K 298 18
                                    

MAAGAP na tinapakan ni Cassandra ang preno ng sasakyan. Nanlaki ang mga mata niya nang malamang ilang hibla na lang ang layo ni Chad mula sa kanyang kotse. Bigla na lang humarang ang bulto nito sa daraanan ng kotse niya habang palabas ng parking lot. Kung hindi siya nakapagpreno, malamang ay nahagip na ang lalaki. Kumabog ang dibdib niya sa naisip. Galit man siya kay Chad, kahit kailan ay hindi niya naisip na gawan nang masama ang lalaki.

Saka lang nakabawi si Cassandra sa pagkabigla nang marinig ang sunod-sunod na pagkatok ni Chad sa salamin ng sasakyan sa direksyon niya. Ngayon lang ito muling nagpakita pagkatapos ng ginawang pang-iiwan sa kanya noon. Nagsalubong ang mga kilay niya. Pagod siya sa maghapong photoshoot. And an encounter with Chad was the last dreary thing she had on her mind right now.

Nang hindi pa rin tumigil ay kunot-noong binuksan niya ang bintana. "Ano na naman ba 'yon, Chad? Utang-na-loob, nananahimik na ako."

"Lumabas ka na muna diyan, Cassandra. Please," Sa halip ay nakikiusap na sagot ni Chad. "Mag-usap na muna tayo. At ipinapangako ko sa 'yong huli na 'to."

Matagal na tinitigan ni Cassandra si Chad. Nangangalumata ang lalaki, palatandaang walang matinong tulog sa nakaraang mga araw. Humpak ang mga pisngi at pumayat. Muli ay nakaramdam siya ng matinding hiya sa sarili. Kung hindi lang siya naging marupok noon, sana ay hindi nahihirapan ang taong mahal niya ngayon. Sana ay hindi siya nagpadala sa bugso ng damdamin. Napakaraming "sana."

She sighed. "Wala na tayong dapat pang pag-usapan, Chad. Umalis ka na." Isasara na sana ni Cassandra ang bintana nang matigilan siya sa mga sumunod na sinabi nito.

"A French designer is willing to train you, Cassandra. May pinsan ang asawa ko sa France na nakakakilala sa designer na 'yon." Nag-iwas ng tingin si Chad. "Kaya ginawa ko ang lahat para makausap siya. Ipinakita ko sa kanya ang mga sketches mo na pinulot ko nang itapon mo lang ang mga 'yon sa basurahan noong tayo pa. Her name's Gertrude. Half Filipina rin siya. And she said she liked your designs."

Hindi nakaimik si Cassandra. Nagpatuloy ang lalaki. "I knew you've always wanted to become a fashion designer. Sumuko ka nga lang kaagad dahil hindi ka nabigyan ng magandang break dito. But you have the chance now, Cassandra. Willing si Gertrude na i-train ka sa boutique niya at i-refer sa mga celebrities na kakilala niya kapag nagustuhan niya uli ang mga designs mo. Naka-graduate ka naman ng fashion design kaya hindi ka mahihirapang mag-adjust kung sakali."

"Bakit mo ginagawa 'to?" sa wakas ay wika ni Cassandra. Nagdududang tinitigan niya si Chad. "Ilang taon ka ring parang bulang naglaho na lang, Chad. Ang hirap naman yatang isipin na nagising ka na lang isang araw at gusto mo nang magpaka-good Samaritan."

Ilang segundong natahimik si Chad bago ngumiti pero alam niyang pilit. "I'm dying, Cassandra. I have kidney cancer, stage four." Napaawang ang bibig ni Cassandra sa pagkagulat. Natawa si Chad. "It runs in the family. Pero hindi ko akalain na magkakaroon din ako. Huli na nang malaman ko kaya habang may panahon pa, bumabawi na ako. You can say I deserved it pero wala na akong pakialam." May iniabot na envelope ang lalaki at sa nanginginig na mga kamay ay tinanggap niya. "Baka isipin mong niloloko kita. Nandiyan ang ebidensya. Nariyan ang contact number ni Gertrude, kasama ng contract na gusto niyang personal mong ibigay sa kanya kapag pumunta ka sa France."

Mayamaya ay tumingin si Chad sa suot na relo. "I have to go. Kailangan ko pang bumalik sa France dahil naiwan doon ang pamilya ko nang magbakasyon kami. Saka kami babalik sa Canada. I want to spend my last days with my parents." Hinawakan ng lalaki ang kamay ni Cassandra na hindi niya namalayang naipatong niya pala sa bintana. "Believe it or not but I really did love you, Sandra. Sa maling panahon nga lang tayo nagkakilala. Alam kong kulang ang salitang 'sorry' para sa mga naging kasalanan ko sa 'yo. Pero sana, kahit one-fourth, makabawi man lang ako."

Thirty Last DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon