Part 7

12.1K 292 49
                                    

MASAYANG napangiti si Cassandra nang makita sa hardin ang nakatalikod na bulto ni Jethro. Kahit pa sinabi na sa kanya ng kasambahay na naroon ang binata sa bahay at siya ang sadya ay hindi pa rin siya makapaniwala.

Hindi niya inaasahang bibisita si Jethro sa kanya, lalo na at pinagbabaan siya nito ng telepono. Kinapalan pa man din niya ang mukha sa pagtatanong ng numero nito kay Christmas. At nakumpirma ang hinala niyang nagpalit na nga ng contact number ang binata nang iba ang ibigay ng hipag.

Dahan-dahang humakbang siya palapit. "Jet, I'm glad to see you. Pupuntahan nga sana kita bukas-"

Pero agad na naglaho ang ngiti niya nang madilim ang anyong humarap si Jethro. "Ano'ng sinabi mo kay Dana? Bakit siya biglang aalis? Just what the hell are you planning, woman?"

Nagpapaunawang hinawakan niya sa braso ang binata na agad rin nitong inalis. Gusto niyang batukan ang sarili. Bakit ba umasa-asa pa siya na maganda ang dahilan ni Jethro sa pagdalaw sa kanya? Napabuntong-hininga siya. ''Humingi lang naman ako sa kanya ng ilang araw para makasama ka... bago ka man lang sana ikasal. She gave me thirty days-"

Napalunok si Cassandra nang makita ang pagtatagis ng mga bagang ni Jethro. Sa buong buhay niya ay ngayon pa lang niya nakitang nagalit nang husto ang binata... at sa kanya pa.

"When will you start caring about what others feel, Cassandra? Ni hindi mo man lang inisip ang nararamdaman ni Dana. Heck, napaka-immature mo pa rin talaga-"

"I'm the worst person to love, masama akong tao, nang-iiwan ako sa ere, immature ako. And I deserve this. Oo, alam ko na 'yon." Kahit na nasasaktan ay sinalubong niya ang nagbabaga sa galit na mga mata ni Jethro. God... where did her Jethro go? "But those words don't hurt me, Jet. What hurts me is the way you look into my eyes and make me feel that you regret ever loving me. Because I've never been so happy... until you fell in love with me."

"Damn it, Cassandra!" He glanced sharply at her. "Hanggang kailan mo ba paglalaruan ang mga tao sa paligid mo?"

Tuluyan nang nangilid ang mga luha niya. "Damn it, Jet. Hanggang kailan ka ba magbibingi-bingihan sa mga paliwanag ko?"

"You're a hopeless case," sa halip ay napapailing na wika ng binata bago siya tinalikuran.

"If I missed you one day, what will I do?" halos pasigaw na tanong ni Cassandra. Nahinto sa paghakbang si Jethro. "At least ngayon, nalalapitan pa rin kita kahit paano. Pero paano na lang kapag ikinasal ka na?" Muli siyang naglakad palapit sa binata at masuyo itong niyakap mula sa likod. "If I want to see you and hold you like this, what will I do? Naiintindihan mo na ba kung bakit kailangan ko ng thirty days man lang?"

"So pagkatapos ni Chad, ako na naman?" mayamaya ay mapait na sagot ni Jethro.

Napailing siya. ''No, Jet. Chad is dead. Namatay siya sa Canada, five months after I left. Nang magkita kami uli noon, sinabi niya sa aking may kidney cancer siya."

He gasped. Naramdaman ni Cassandra ang sandaling tensiyon sa mga balikat ni Jethro bago nito binaklas ang mga braso niyang nakayakap dito. "At naghahanap ka na naman ng reserba, gano'n ba? So typical of you, Cassandra."

Napapagod na tuluyan nang lumayo si Cassandra. Gaano ba kalalim ang iniwan niyang sugat sa puso ni Jethro para hindi na ito muli pang magtiwala sa kanya? Punong-puno ng pagsisising napatitig siya sa binata. Kung maibabalik niya lang ang nakaraan, sana ay hindi agad siya umalis nang hindi nakakapagpaliwanag nang maayos. Pero naging ganid siya sa oras at panahon dahil ginusto niyang madaliin ang lahat. She wanted to change... desperately, so she could go back to him as soon as possible.

Nalulungkot na itinulak niya nang marahan si Jethro palabas ng gate. "Pagod ka lang siguro. Bukas na tayo mag-usap... para hindi ka magsawa kaagad. After all, thirty days rin ang meron tayo. So don't be too excited to talk to me..." And to walk away from me, gusto sana niyang idagdag pero sa huli ay nagdalawang-isip siya.

Thirty Last DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon