December 31, 2013

767 15 0
                                    

December 31, 2013

Hi diary! Advance happy new year!

Kasama ko ngayon si Travis kasi inutusan kami ni Mama na mag-grocery daw muna. Nakayuko lang ako at hindi kami nag-uusap. HIndi naman kami nag-away or what. Hindi ko alam. Wala ako sa mood na magsalita ngayon. 

Kasi dapat new year, kasama ko si blank. Siya dapat kasama ko at hindi siya. Hindi si Travis.

Nasabi ko yata yun ng malakas at nagalit siya sa akin. Sabi niya magmove on na daw ako kasi hindi na babalik yung pesteng lalaking iyon. Galit na galit siya at nasigawan pa niya ako. Naiyak na lang ako dun. Pinagtinginan nga kami dun sa Hypermart.

Ngayon ko lang talaga siya nakitang ganun. New year na new year tapos hindi ko siya makakasama. First time yata ito sa history naming dalawa. 

At ako ang may kasalanan kung bakit.

Haaay. Kailangan ba nila talaga akong iwan lahat, diary? Hindi ba pwedeng sabay na lang kaming umalis para walang nasasaktan ng ganito. Ang sakit kasi eh. Tagos sa puso. Buti hindi halata.

Huwag mo na lang akong iwan ha? Ikaw na lang ang nandyan, diary. Ikaw na lang. At yung alaga kong snail na buti na lang ay wala pang balak umalis sa cage niya.

Iniwan,

Marion

Diary ng Hindi Makamove-onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon