January 20, 2014

278 6 0
                                    

Dear diary,

OMG lang. Nakita ko yung taong nagpakidnp sa akin. NAKITA KO SIYA, diary. And SHE looks familiar. Oo, she's a SHE. Ewan ko ba. Wala naman akong maalalang kaaway ko since hindi naman ako mahilig makiaway. Ni hindi nga ako marunong ipaglaban ang mahal ko sa buhay, sarili ko pa kaya? NUKS.

Pero, seriously. Sino kaya ang mysterious girl?

I know she's from our class.

May tatlo nga akong suspects. Number one, si Italy. Si Italy yung babaeng inagawan ko ng napakasarap na carbonara noong recess time last week. Baka nagalit siya ng sobra kasi badtrip siya and coming from a rich family, maghihiganti siya para sa kanyang pinakamamahal na carbonara.

Number two. Si Aina. Si Aina naman, nung prom iyon. Maganda daw kasi ako nung prom namin. Tapos katabi ko siya  kasi magkatable kami. May nagsabing maganda ako tapos pagtingin ko sa kanya, hinead-to-toe look ba naman ako with matching irap pa! Kaya, possibly, pwedeng siya 'yun. Mas posible siya kaysa kay number one.

Last but super kinukutuban ko, si Veronica. Ang bago ni Siya. Ang pinagpalit sa akin ni Siya. Oo, pwedeng-pwede siya ang nagpakidnap sa akin. Pero bakit? Ang alam ko kasi, sobrang okay naman sila ni Siya. So.. why take revenge right?

Paano ko nalamang babae? Blinindfold kasi ako kanina at dumating na yung babaeng SHE. SHE said.. "You'll never win."

So.. I guess. Wala na talaga akong clue kung sino. HIndi naman kasi ako nakikisali sa mga contests or competitions. Kaya, wala. Wala na talaga akong maisip kung sino. Hayahay lang, diary. Paano na ito? Will this be the end of me.. of us? 

Almost ending ko na,

Marion.

P.S. If ever he gets a hold of this, TELL SIYA I STILL LOVE HIM. VERY MUCH. And.. Jk.

Diary ng Hindi Makamove-onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon