January 13, 2014

385 12 0
                                    

January 13, 2014

Miraculously, absent si Travis. First time kaya 'yun! Hindi naman yun nag-aabsent eh. Kahit nga may sakit na at hindi na makabangon, ayun nasa school pa din. Pero this time.. nakapagtataka talagang walang Travis na nakaupo sa upuan niya.

Tumabi din pala sa akin si blank ngayon. Binibigyan niya ako ng pagkain. Kaso ayoko ng flavor. Ayun, tinanggihan ko. Ang pangit talaga ng taste nun kahit kelan! Okay. Double meaning na nga yata yun. Paano ba naman kasi? Naglalandian sila nung hipon na kaklase ko. Tsk lang.

Kung andito lang sana si Travis, edi sana may kasama akong tumatawa ngayon. Kaso hindi ko naman alam kung paano ayusin yung pagkakaibigan naming dalawa. Paano na 'to, diary?

Tumatawa mag-isa,

Marion

Diary ng Hindi Makamove-onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon