"Sa dinami-dami ng tama ng isang tao. 'Yong isang mali lang ang napapansin natin sa kanya. Tama ba ako?"
Kasalukuyang nagdi-discuss ang teacher namin sa Human Behavior in Organization.
"Naku! Sir! Tama po 'yan." React ko kaagad sa sinabi n'ya. "Minsan nga po kahit hindi mo talaga mali, sinisisi pa rin sa'yo!"
"Hala sinisisi daw oh Gab." Pang-aasar ng kaklase kong lalaki sa ex ko.
Biglang tumayo ang ex ko. "Minsan nga din po sir kahit 'yong ibang tao ang may mali, pinapasa nila sa'yo."
"Guys, ibang usapan naman 'yan." Natatawang sabi ni sir.
Hindi ko pinansin si sir. Tumayo ako at hinarap ang ex ko. "So sinasabi mong ako talaga ang may kasalanan?" Nakataas kilay kong tanong.
"O bakit? Ikaw nga din pinagpipilitan mong ako talaga ang may kasalanan eh!" Inis na sigaw nito sa'kin.
"Hala lagot! Ayan na naman sila." React ng isa kong kaklase pero hindi namin pinansin.
"Kasi ikaw naman talaga." Nanlalaking mata na sabi ko sa kanya.
"Ikaw! Kasi hindi ka kasi marunong umintindi!" Sabi ni ex sa'kin.
Nagpameywang ako. " Wow! Ako pa talaga ha." Sarcastic na sabi ko.
"Ang mali kasi sa inyong mga babae, lagi kayong tama." -s'ya.
"Tama! Tama!" Sang-ayon ng mga kaklase naming mga lalaki.
"Kasi tama naman talaga ako. BABAERO!" -ako.
"'Yan! Kaya walang tumatagal sa'yo eh. Iniisip mo lang sarili mo. Sa lahat lahat, kunwari tama ka. Pero 'yong mali mo, hindi mo binibilang." -s'ya.
Nakanganga ang mga kaklase ko habang pinapanood nila kami. Pero wala akong pakialam sa kanila.
"Pwedeng mamaya na 'yan?" Sabi ni sir. Pero hindi namin pinansin.
"Bakit ba tayo umabot dito? Nag-react lang ako sa sinabi ni sir dumepensa ka naman agad. Natamaan ka siguro no?" Pang-aasar ko sa kanya.
"Bakit ikaw? Nag-react ka rin naman sa sinabi ko kanina. Ibig sabihin natamaan ka rin." Pang-aasar nito pabalik sa'kin.
"Palibhasa kasi bini-big deal mo lahat ng sinasabi ko." I cross my arms.
"Eh mahal pa kita eh! Kaya big deal sa'kin."
"Eh mahal din kita. Kaya- - -"
Natahimik ako nang na-realize ko ang sinabi ko kanina.
WHAT THE HECK!!
Then, he look at me while smiling.