SAM's P.O.V.
Tinapos ko na ang gawain ko na wala ang
hayop na lalaking 'yon.Pagkatapos kong linisin ang buong canteen ay nakasimangot akong pumunta na ako sa room. Pagdating ko do'n ay kasalukuyang nagdi-discuss ang teacher namin sa Marketing. Grade 12 na ako at ABM ang strand na pinili ko.
Natigilan ito sa pagsasalita at napatingin sa'kin. "You're late!" Sabi sa akin ni sir Manatad.
"I'm sorry sir." Nakayukong sabi ko.
"Okay, go to your seat now."
Agad akong pumunta sa pwesto ko at umupo na.
" Hoy! Saan ka galing?" Tanong sa'kin ng kaibigan kong si Lycka. Nasa likod ko s'ya. Kahelera n'ya sina Roxane, Nate, at Gab.
Hindi ko s'ya nilingon. Sobrang bigat kasi ng nararamdaman ko. May ibang subject akong hindi napasukan. At late pa ako sa major subject namin. Disappointed din ako sa ginawa ni Gab. Kasi naman, dapat kaming dalawa ang maglilinis do'n. Kasalanan n'ya kung bakit ako absent sa ibang subect.
"Hoy! Sam! bingi ka ba?" Tawag ulit sa'kin ni Lycka.
Hindi ko pa rin s'ya nilingon.
"H'wag mo ng tawagin. Mukhang nabadtrip eh." Mahinang sabi ni Nate pero dinig na dinig ko.
Tama ka Nate, badtrip nga ako ngayon. Kausapin mo 'yang peste mong kaibigan.
Nakinig na ako kay sir at todo sulat naman ako sa kailangan kong isulat. Rinig kong nagdadaldalan ang mga kaibigan ko. Pero hindi na ako nakisali.
***
Uwian na namin at lumabas na ako ng room. Hindi na ako nag-abalang magpaalam sa mga kaibigan ko. Nababadtrip pa rin kasi ako.
"Hoy Sam! Ang bilis mo maglakad." Hinabol ako ng mga kaibigan ko at alam kong nasa likod ko na sila.
Nilingon ko sila. "Ano?" Nakakunot noo kong sabi.
"Bakit ka ba galit?" Tanong ni Roxane.
"Wala ako sa mood." Sagot ko.
Tinignan ko si Gab. Kinakalikot n'ya ang cellphone n'ya. At talagang wala lang sa kanya ang ginawa n'ya kanina.
Tinalirukan ko na sila at muling naglakad. Hinawakan ako ni Lycka sa braso.
"Kain tayo." Nakangiting yaya nito.
"Ayaw ko." Tanggi ko.
"Sige ka. Hindi ka namin papahiramin ng notes sa English." Sabi ni Lycka.
Nainis ako. Alam nila kung ano ang weakness ko. 'Yon ay ang about sa lessons namin.
"Sige na nga!" Hindi na ako makatanggi. "Saan ba?"
"7/11 tayo." Yaya ni Roxane.
Wala na akong nagawa kundi ay ang sundin sila. Nang nakalabas na kami ng school ay agad kaming pumunta sa pinakamalapit na 7/11. Self service dito kaya kumuha na ako ng hotdog sandwich at slurpee. Matapos ko itong bayaran ay pumunta na ako sa upuan kung saan naka-pwesto ang mga kaibigan ko. Nakabili na rin ang mga ito.