SAM's P.O.V.
"EXCUSE ME! EXCUSE ME!" Nakipagsiksikan ako sa mga studyante na nakaharang sa hallway. Tinitignan nila kung nakapasa ba sila o hindi. "Padaanin ang reyna."
Well, nang-aasar lang naman ako. Hindi po makapal ang mukha ko.
"Yabang nito!" React ng isang babae sa likod ko. "Reyna mo mukha mo. Kala mo talaga ang ganda-ganda n'ya." Inis na inis ito.
I smirk to her. "Edi wow!"
Hindi ko na s'ya pinansin. Wala akong pakialam sa mga taong big deal sa mga biro ko.
"Hay naku! Ang sikip-sikip naman ng daanan!" Reklamo ko dahil naiinitan ko sa sikip.
"Arte naman." Dinig kong bulong ng isang babae sa gilid ko.
Hinarap ko s'ya. " Kasi naman po. Daanan po 'to. May dumadaan po dito." Nakataas kilay na sabi ko sa kanya.
"Nakikita mo naman 'di ba? Nakikibalita kami kung nakapasa ba kami o hindi." Sabi nito.
"Dapat kasi iniisip n'yo din na may dadaan. Pwede naman kasi mamaya na kayo titingin. Kapag konti nalang." Sabi ko sa kanya at tumalikod. I like the way I left people behind.
"Ang yabang mo naman." Dinig ko pang pahabol nito.
"Mayabang talaga 'yan."
Napahinto ako sa paglalakad nang nakarinig ako ng familiar na boses. Nilingon ko ito. I knew it. Si ex.
"Hindi mo ba ako iko-congratulate? Miss Ex?" Naka-smirk ito.
"At bakit naman kita iko-congrats." Nagpameywang ako.
May inangat s'yang papel. List ng mga nakapasa sa exam.
"Well, ako lang naman ang nakakuha ng mataas sa score bawat subject." Pagmamayabang nito.
Tsk. Pakiala- - - WHAT??
Nilapitan ko s'ya at inagaw ang papel. Tama s'ya. S'ya nga ang nangunguna sa list at pangalawa lang ako. Sa sobrang inis ko. Nilukot ko ang papel.
Nagreact ang iba sa ginawa ko. Kasi titingin pa daw sila do'n. Ang sama ko daw. Bakit ko daw 'yon ginawa. BUT THE HELL I CARE!
Hindi pwedeng pumapangalawa lang ako. Hindi ko 'yon matatanggap.
"Seems that everyone will kill you." Wika ni Gab, ex ko. Tinutukoy ang mga studyanteng galit na napatingin sa'kin, dulot ng ginawa ko sa list.
Tinapon ko 'yon sa pagmumukha n'ya. "Oh ayan! Kunin n'yo. Isaksak n'yo sa baga n'yo!" Galit na sigaw ko.
Saktong pagkatalikod ko ay may tumama sa ulo ko. Dahil hindi naman ito masakit, inisip ko na papel 'yon. Binato ni Gab pabalik sa'kin. Muli ko s'yang hinarap at nilapitan. Nanonood lang ang mga studyante sa'min kung ano ang susunod na mangyayari.
Hinawakan ko ang kwelyo n'ya. "Sa oras na mabalitaan kong nangunguna ka ulit. Papatayin na kita."
Tumawa ito ng mahina. Ang sexy ha. Wait! Mali mali. "Bakit ba big deal 'yon sa'yo ang maunahan ng iba? Ayaw mo bang matapakan ang pride mo? Gaya na lang ng mga araw na may mali ka. Pinaglalaban mong tama ka kahit na hindi naman talaga." He smirk.