"S'ya ma'am. S'ya ang nagpunit ng papel sa bulliten board. S'ya ang sumuntok sa'kin. Maraming kalokohan ang babaeng 'yan dito ma'am. Sinabunutan n'ya pa nga ako classmate namin, eh."
Napatayo ako mula sa pagkakaupo dahil lumagpas na yata si Gab sa isusumbong n'ya.
Nandito kami ngayon sa guidance office upang isumbong ako ng baklang 'to sa guidance councilor namin.
"Hoy! Inaamin kong pinunit ko ang list ng mga nakapasa at 'yong suntok ko sa'yo. Pero wala yata akong maalala na may sinabunutan ako. Mukhang nagi-imbento ka na yata." Mataray kong sabi kay Gab. Kapal ng mukhang manglaglag.
Tinignan ko ang guidance councilor namin. "Tsaka alam n'yo ma'am? Kinuha n'ya ang list mula sa bulliten board. Ang kapal ng mukha." Pagsusumbong ko.
"At least ako kinuha lang. Ibabalik ko naman 'yon agad."
Napatingin ako kay Gab nang nagsalita ito. "Ibabalik mo matapos mong ipagmayabang, ano?" Sarcastic kong sabi sa kanya.
"Oo, pagkatapos mo sanang mainis. Kaso pinunit mo, kaya hindi ko na naibalik." Nagkibit-balikat pa ito.
"Babayaran ko na nga lang. Mura lang naman 'yong pa-print.
Tutal, mayaman naman ako." Pagmamayabang ko at inirapan si Gab."Tignan mo ma'am, ang sama talaga ng ugali." Pagsusumbong na naman nito.
"TUMIGIL NGA KAYO!"
Natahimik kami ni Gab nang sumigaw si ma'am.
"Miss Samantha Hermosa. Alam mo naman ang rules dito sa school natin 'di ba? Bawal manakit, and destroying school's equipment and property is not allowed. Kahit na maliit o malaki. Papel man 'yan o hindi." Madiing sermon ni ma'am sa'kin.
Napayuko ako. Kainis. Feeling ko tuloy napahiya ako.
"At ikaw Mr. Gabbie Obrero." Pagtutukoy ni ma'am kay Gab.
"Ma'am Gab na lang po. Panget po kasi kapag Gabbie." Pagko-correct n'ya kay ma'am. Ayaw kasi ni Gab sa pangala n'yang Gabbie, para daw kasing pambabae. Gusto n'ya ay Gab lang.
"Wala akong pakialam kung panget o hindi!" Inis na sabi ni ma'am.
Tumingin ako kay Gab. Tinawanan ko s'ya ng mahina. Buti nga.
"Ma'am oh, si Samantha tumatawa." Tinuro ako ni Gab.
Tinignan ako ng masama ni ma'am. "I'm freakin' serious here!"
Nanlaki ang mata ko sa sigaw ni ma'am. Consider namang nagmura s'ya?
"To detention hall! Now!" Tinuro n'ya ang pinto. Pinapahiwatig n'ya na lumabas kami at pumunta sa dentention hall.
Dami kasing alam ng school namin. Kung may kasalanan ka, makukulong ka sa dentention hall for 3 hours. Without your things even your gadget.
"Ma'am teka lang! Hindi ba pwedeng warning muna?" Pagre-reklamo ko. Bukod sa madilim do'n. Nakakatakot, mabaho, at malamok pa. Kaya ayaw kong mapunta do'n. Sinadya nilang gano'n ang detention hall para wala ng uuli sa nagawa nilang mali. Permado 'yon ng mga parents kaya pwedeng- pwede kaming makulong do'n.
"Mukha ba kayong nainiwala sa warning? Sa pagkakaalam ko ay maraming beses na kayong nag-aalitan dito." Wika ni ma'am.
"Ma'am si Samantha lang po ang hindi naniniwala sa warning." Kalmadong wika ni Gab at naka-cross legs pa ito.
Nainis ako sa sinabi ni Gab. Grabe makapanglaglag, akala mo talaga wala kaming pinagsamahan. Wait? Ano? Anong sinabi ko? Erase! Erase!
"Talaga ba?" Sarcastic na sabi ko kay Gab.