Chapter 7

468 10 2
                                    

Chester’s POV

“Let’s have a truce.”

Kunot noong pinagmasdan ko ang babaeng nakatayo sa aking harapan. May lagnat ba ito. Isa atang napakalaking himala na hindi ito sarcastic o mean sa pakikipag-usap sa akin ngayon.

I was taken off guard.

“So wala ka man lang bang sasabihin?” She frowned and crossed her arms to her chest, expecting an answer.

“Whatever.” I managed to say.

Her eyebrow hit her hairline, meaning hindi nya nagustuhan ang pabalewala kong sagot. “Whatever? I made an effort to declare a truce and you say, whatever? Seriously what is wrong with you?”

I rolled my eyes. “Seriously? Andito tayo para matuto ka sa Math, and to pass your exams. We’re not here to become friends.” Pasuplado kong sagot. “Now if you’re ready, can we start?”

Padabog nitong dinampot ang kanyang books. During the session nahuhuli ko ang manaka-nakang panakaw na sulyap niya sa akin. I love her expression na para bang gusto akong sakalin. I know inis na inis sya sa pagsusuplado ko.

Surprisingly, she was a good listener at mabilis namang matuto pala. My previous impression na puro pagmamake-up lang ang alam nya was starting to be erased.

“That’s all for today.” I declared after an hour of grueling math problems.

“Yun na yon?” Tila manghang tanong nya.

I nodded.

“Sabi ko tapos na diba, hindi ka naman siguro bingi.” I can’t resist na pagsupladuhan sya, I really like when she reddened in annoyance. Kung nung isang araw genuine akong naaasar sa babaeng ito ngayon parang naaamuse na ako.

“Gwapo ka nga ang panget naman ng ugali mo!” I heard her say under her breath.

“Ano kamo?”

“Ah sabi ko you have only one habit that really annoys me.” She said sweetly.

I smirked “And what is that?”

She tossed her long hair over her slender shoulders and walked gracefully toward the door. Maluluma ang mga sikat na modelo sa babaeng ito.

“Breathing.” And she stuck her tongue at me.”See you around.”

I turn my back at her to resist my smile.

Nath’s POV

If I’m not mistaken I sensed a hint of a smile to his face. Parang gusto kong kiligin. But, whoah. Anong nangyari sa animosity naming sa isa’t isa nitong mga nakaraang araw. Nagkaka-crush na ba ako sa kumag na yon?

Come on Nath, stay true to yourself because there are very few people who will always be true to you. Yeah, I like the guy. In as much na naiinis ako sa kasupladuhan nya, nagiging challenge naman lalo yun sa akin para paamuin sya.

I liked his honesty. Oo suplado sya at walang modo but he stood up to me. There was only one man who stood up to my meanness, my Dad.

Whoah, now I am comparing him to my Dad. Get a hold of yourself Nathalie.But I can’t deny it I’m attracted to the guy. Yung inis na nararamdaman ko was because of that infatuation. Naiinis ako na ang kaisa-isahang lalakeng pinagtutuunan ko ng interes ay sinusupladuhan ako.

For me kasi, hindi sa abs, sa porma at ayos ng buhok nagiging gwapo ang isang lalaki, kundi sa kung paano niya itrato ang isang babae. Yeah, I know harsh sya sakin, but I can see right through his pretenses kanina.

And by the looks of it Mr. Jerk was starting to lower his guard down.

The Bitch Is In Love With You PareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon