Chapter 13

363 10 3
                                    

Nath’s POV

“Kailangan talaga magpalate ka pa ng pasok?” Chad was looking at me na para bang suddenly ay tinubuan ako ng dalawang sungay at buntot.

I rolled my eyes while retouching my make up inside his car. “Duh, syempre ano, para andito na silang lahat, at makikita nila na may de chedeng na naghatid sa akin.”

“Sino ba itong kolokoy na pinagseselos mo? Bakit pakipot ka pa kasi. Hinalikan mo na nga ayaw mo pang sagutin.”

Binatukan ko si Chad. “Paano ko sasagutin e tumigil na nga ng panliligaw!”

“Aray naman!” Tiningnan ako ng kumag nang masama. “Halika na nga umpisahan na ang palabas na ito at malalate na ko. Lagot na naman ako nito sa girlfriend ko!”

I stuck my tongue at him. Bumaba siya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Then he put his arms around my shoulders possessively while walking. Pasimple kong hinanap ng tingin si Chester.

And there he was! Kunot na kunot ang noo habang nakatitig sa amin ni Chad.

“Dumikit ka pa sa akin, higpitan mo pa yung akbay.” Sita k okay Chad.

Pero biglang tinanggal ni Chad ang pagkakaakbay sa akin. Inis na nilingon ko ang kumag pero wala sa akin ang atensyon nito. Nakatingin din it okay Chester at parang aburido.

Pasimple ko itong siniko sa tagiliran.

“Aww!”

“Ano ba, akbayan mo ako!”

“M-may problema eh.”

“Talagang magkakaproblema ka pag di mo ako inakbayan!”

“Kasi-“

I saw na tumayo si Chester at lumakad patungo sa amin ni Chad. Kunot pa rin ang noo nito. But his attention was not on me. It was focused on Chad.

Bro.” Tinapik nito sa balikat si Chad.

Bro?! Magkakilala sila? Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko.

H-hey Bro.” Bati din dito ni Chad. “Mauna na ako ha Nath,” Then tumingin ito ulit kay Chester. “Susunduin ko pa si Via eh, alam mo naman yung pinsan mo ‘tol ayaw ng pinaghihintay.”

Via. Pinsan. Anak naman ng pitumpong tinapa. Pinsan ng jerk na ito ang girlfriend ni Chad!

At bago ko pa napigilan si Chad. Mabilis pa sa alas kwatrong nakatalilis na ito paalis. Andres de saya kasi sa girlfriend. Naku, Nath palpak na naman!

Naiwan kami ni Chester. He was looking me up and down.

“What?!” Singhal ko.

“Nang-aagaw ka na rin ng boyfriend ng iba ngayon?” He sneered at me.

“That is a strong accusation.”

“Parang higad kang nakapulupot sa boyfriend ng pinsan ko, tapos sasabihin mo na pinagbibintangan kita.”

One. Two . Three.  Inhale, exhale. Masisira ang poise ko sa kumag na ito.

“Tsk  tsk, and I thought you were different. Katulad ka rin pala ng iba.”

And with that, he left me standing there.

Damn, what did I do again?!

The Bitch Is In Love With You PareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon