Unspoken rule #1 "Feelings"

409 5 5
                                    

Unspoken rule #1

"Wag mong piliin ang taong hindi ka kayang mahalin"

First day of classes at katabi kita.
Kinusap moko, kinausap din naman kita.
Araw araw magkatabi tayo.
Syempre seatmates tayo.
At araw araw nagkakagusto ako sayo.
Ewan, feel ko mahal na ata kita kahit walang tayo.
Oo ako yung babaeng hindi katipo-tipo.
Pero pangako kaya kong ibigay lahat sayo.
Para kang prince charming ko.
Pinagtatanggol moko pag inaapi ako.
Ganon tayo palagi,
Magkausap lagi, magkasabay lagi, tawanan lagi, pati sa kalokohan magkaramay tayo parati.
Pero anong nangyari?
Nagsimula lahat nung lumapit siya sayo.
Oo wala kong karapatan magselos dahil walang tayo.
Pero diba kaibigan moko?
Bakit iniiwasan moko?
2nd exam na.
Naalala ko yung teamwork natin pag exam.
Ngayon kolang nalaman na lahat ng oras nayun ay hiram.
Gusto kita kausapin kaya pununtahan kita nung uwian.
Kaso... dapat pala hindi nalang kita pinuntahan.
Ang sakit makita na may iba ka, Kahit na alam kong hindi naging tayo.
Oo na magkaibigan lang tayo.
Naiintindihan ko na ang lahat.
wag mo mahalin ang taong di ka kayang mahalin dahil yun ang dapat.

Unspoken RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon