PROLOGUE

132 4 2
                                    

I LOVE YOU, MY AMBITIOUS GIRL © 2014

by SunPrince

DISCLAIMER: THIS BOOK IS A WORK OF FICTION. ANY RESEMBLANCE TO ACTUAL EVENTS, PERSONS, LIVING OR DEAD, IS ENTIRELY COINCIDENTAL. PLEASE DO NOT STEAL MY WORK.

PROLOGUE

Sabi nila nasa akin na ang lahat  — maganda, sexy, mayaman, sikat at may loyal na boyfriend. Wala na nga daw akong kailangan sa buhay. Maganda ako; I got it from my mama. Sexy;  Salamat Doc yan, tamad ako mag-diet eh. So what? I am rich eh. Sikat? Artista ang boyfriend ko, si Vincent so technically, sikat narin ako. I know right.

I am really having the life that all girls dream. I'm Angel Allison Aguinaldo.I will tell you, what Angel wants, Angel gets. Okay, am I conceited? I don't think so. Nagsasabi lang ako ng katotohanan. Honest 'to, promise!

I wasn't born with a golden spoon. Galing lang din ako sa isang simpleng pamilya. Tulad ng iba, nagsumikap ako para maging successful sa buhay. And heto ako ngayon, buhay reyna. Malapit ko na ngang ipadagdag sa pangalan ko ang 'Queen' eh so I'll be Queen Angel Allison Aguinaldo. Sounds good, right?

But you know what, it's not easy being me. Kung si Spider-man merong 'With great powers come with great responsibility', ako naman merong 'With overflowing beauty comes with great responsibility'. Ang hirap maging maganda, nandiyan 'yung natutulala 'yung mga tao kapag nakikita nila ako, head turner ang lola niyo! At dahil artista 'yung boyfriend ko marami akong fans and bashers sa social media. Have I told you na I have 50K twitter followers, 20K on IG and 80K followers on facebook? Ganyan ako, ganda lang ang puhunan. Hihi! :))

Madami din akong suitors kahit pa may boyfriend na ako. Sorry na lang sila dahil wala sila kay Vincent, sikat, gwapo, hot, at higit sa lahat MAYAMAN. Yeah right. Gusto ko makapangasawa ng mayaman. Dapat maging pratical na ngayon, sayang naman ang ganda ko kung hindi ko pakikinabangan, right? I know right.

Kung ang iba maraming pangarap, ako maraming ambisyon at gagawin ko lahat para makuha ang mga iyon. Kahit manggamit pa ako ng ibang tao. AMBISYOSA AKO. Kasalanan 'to ng isang tao ng minsang minahal ko pero binalewala ako dahil hindi kami magkatulad. Langit siya, lupa ako. Kaya pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para umasenso at hahanapin ko siya para ipamukha sa kanya kung ano ang pinakawalan niya.

I LOVE YOU, MY AMBITIOUS GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon