10: Back To Reality

18 1 0
                                    

Angel Allison Aguinaldo

 

Hawak-hawak ko pa rin ang promise ring na dapat ay matagal ko ng tinapon. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Ang dami kong pinagdaanang hirap bago ko narating ang tagumpay. I worked hard kahit na may ginamit akong tao para sa kapakanan ko. Ang daming naidulot sa'kin ng pagkabigo ko sa pag-ibig at ayoko ng maulit pa 'yun.

Hindi ako dapat umiiyak Hindi na ako dapat nagpapaapekto pa sa nakaraan ko lalo na sa lalaking 'yun. Pinunasan ko ang mga luha ko. Tumayo ako at itatapon na sana ang singsing pero narinig kong umiiyak si Cindy sa kabilang kwarto kaya ibinalik ko muna sa drawer ang singsing kasama ng box.

             ***********

Life goes on. Nagpatuloy ako sa pagma-manage ng Angel ng Seduction restaurants. Balik ulit ako sa pagiging busy sa pagpapayaman. Undang is always there naman to help me so I have nothing to worry. I'm very proud of Undang, napakalayo na ng narating niya. Kasama ko si Undang sa pag-asenso, dahil siya ang pinaka pinagkakatiwalaan ko. Nung nagkapera na ako, sabay kami nag-aral ng short course about restaurant businesses and short culinary course. And in a very short period of time, napakarami na niyang natutunan. Promoted na nga siya bilang manager ng isang branch ng Angel of Seduction eh pero dahil gusto ko siya lagi kasama, personal alalay ko pa rin siya. Nasanay na kasi ako nakikita ang chaka niyang mukha eh.

Anyways, kahit busy ako I still find time to be with my precious daughter Cindy. Kahit napkarami kong meetings sa isang araw ay kaya ko dahil excited akong umuwi dahil hinihintay ako ng anak ko, Kahit nga gabi na ay pumupunta pa rin kami ng mall para ipang-shopping siya. She's so cute and pretty. Yun nga lang mas kamukha ng gunggong niyang ama.

Today, nagset ako ng meeting para sa aming dalawa ni Undang regarding sa business.

Bakit kami lang? Dahil ibang strategy ang pag-uusapan namin. Balak ko na kasing magtayo ng isang malaking culinary school kaya kailangan ko ng mga investors. Naisipan kong magtayo ng culinary school dahil bukod sa sikat ang mga culinary schools ngayon, may background na din kasi ako dahil nga HRM talaga ang course ko na hindi ko natapos dahil nga nabuntis ako.

And naisip ko na 'yung mga graduates ng school ko ay pwedeng magtrabaho sa mga restaurants ko. Oh 'diba I'm so great?

So, in order to attract inverstors I have to do some flirting stuff. Ganda at charm na naman ang puhunan ko. Syempre hindi ito kailangang malaman ni Vincent at baka mag-away kami.

Pagdating ko sa conference room nandun na si Undang.

"Good morning." Bati niya.

"Good morning." Sagot ko. Pagkatapos ay umupo na pinakadulong upuan kaharap si Undang.

"Since tayo lang dalawa ang nandito guess alam ko na kung tungkol saan 'to. So what's your brilliant idea?"

"Kailangan na mag upgrade ng business natin. Plano kong magtayo ng isang malaking kumpanya at tatawagin ko itong AAA Group of companies."

I LOVE YOU, MY AMBITIOUS GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon