Note: May BS po ang chapter na ito pero don't worry hindi po ito explicit. Wholesome parin naman kahit papano. I just hope nabigyan ko ng justice. Nag base lang kase ako sa mga napapanuod at nababasa ko eh. Alam na! XD
***************
Angel Allison Aguinaldo
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Simula nung hinalikan ako ni Matthew iba ang pakiramdam ko. Lagi akong masaya sa tuwing gigising ako at mas sinipag akong mag-aral. Mahal ko na kaya siya? Hindi ko alam. Eh siya mahal kaya niya ako? Malamang hindi. Mayaman siya at mahirap lang ako. Napaka imposible na magkagusto ang isang tulad niya sa'kin. Natutuwa lang siguro siya sa'kin kaya niya ako nahalikan.
Natapos ang buong taon ko bilang second year ng maayos at masaya. Malaki rin ang naitulong ng pagtuturo ko kay Matthew dahil tumaas ang mga grades niya kaya hindi na daw niya kailangan ng tutor. Noong una nalungkot ako dahil wala na akong side line pero masaya na din ako dahil at least nagawa ko ang trabaho ko at natulungan ko siya. Kahit hindi niya na ako tutor naging magkaibigan naman kami at lalong naging malapit sa isa't isa. Paminsan-minsan ay dumadalaw si Matthew sa bahay para mangamusta at nakikipaglaro siya kay Ana. Wala daw kasi siyang kapatid na babae.
Buwan ng Mayo at dahil bakasyon, tinutulungan namin ni Ana si Nanay magtinda para mas marami ang kita. Espeyal sa'kin ang buwan ng May dahil May 22 ang birthday ko at eighteen years old na ako. Simple lang kami mag celebrate ng birthdays namin, magsisimba lang kami at ipagluluto kami ni Nanay ng pansit pampahaba raw ng buhay. Sa susunod na linggo na ang birthday ako at excited ako dahil sa wakas dalaga na ako at nasa wasto na akong edad.
Dumating ang araw ng kaarawan ko at tulad ng inaasahan, nagsimba kami ni Nanay at Ana. Pinagluto ako ni Nanay ng pansit at bumili siya ng tinapay. At dahil espesyal daw ang birthday ko ngayon, bumili siya ng isang slice na cake na pinagsaluhan namin. Hindi ko napigilang umiyak sa tuwa dahil mayroon akong mapagmahal na ina at kapatid.
Kasama rin naming nag celebrate ang best friend ko na si Undang. High school lang ang natapos niya dahil bukod sa mahirap lang sila, hindi naman daw siya kasing talino ko para makakuha ng scholarship. Si Undang lang nag-iisa kong best friend at para ko na rin siyang kapatid.
Kinagabihan hindi ko inaasahan nangyari. Dumating si Matthew na may dalang cake at mga bulaklak. Paano niya nalaman na birthday ko? Hindi ko maiwasang kiligin dahil sa ginawa niya. Si Ana pala ang nagsabi sa kanya. Nakakahiya naman. Binigyan niya rin ako ng regalo na cellphone para daw kahit hindi kami magkasama ay palagi pa rin niya akong makakamusta at matatawagan. Nung una ayaw kong tanggapin pero nagpumilit siya kaya wala na akong nagawa.
At ang ikinagulat ko ay nang sabihin niyang mahal daw niya ako at balak niya akong ligawan. Sinabi niya 'yun sa harap ni Nanay at Ana. Hindi ako makapaniwala, mahal ako ni Matthew? Ang saya saya ng puso ko nung mga panahon na iyon. Tinanong ko siya kung bakit nagustuhan niya ako ang sagot niya ay dahil nasa akin daw ang mga katangian na hinahanap niya sa isang babae. Para akong nananaginip. Hindi ako makapaniwala na ang taong gusto ko ay magkakagusto rin sa'kin.
Pumayag naman si Nanay sa gusto ni Matthew basta raw alam namin ang mga limitasyon at may tiwala daw siya sa aming dalawa. Magmula noon madalas ng dumalaw si Matthew sa bahay. Lagi rin kaming magka-text at tinatawagan niya ako bago matulog. Dahil mahal ko na rin naman si Matthew, hindi ko na pinatagal pa. Sinagot ko siya noong unang araw ng klase. Naging masaya kame kahit hindi namin pinaalam sa iba ang aming relasyon, ayoko ko kasi ng tsismis.