6: Memories (Part 1)

17 4 0
                                    

NOTE: The next four chapters are set during Angel's college days seven years ago. Ang ibig sabihin, ibang iba pa si Angel dito kaya wag sana kayo malito okay? Dito niyo na rin makilala si Matthew at panno nag start yung love story nila ni Angel J

                                    .        *************

*June 2007*

 

Angel Allison Aguinaldo

 

"Hello Philippines and hello world!!!" Kagigising ko pa lang pero over na agad ako sa energy. First day kase ngayon ng klase sa Rosemary Academy kung saan ako pumapasok bilang scholar. Second year college na ako and so far kaya ko pa naman magtiis ng tatlo pang taon.

Pagkatayo ko dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng kape. Ito ang paborito ko tuwing umaga. Nakakita ako ng isang pandesal sa mesa at may papel sa tabi nito.

"ANGGE, PAGHATIAN NIYO NI ANA ANG PANDESAL. ANG BAON NIYO NASA DRAWER. MAGTITINDA MUNA SI NANAY SA PALENGKE. IHATID MO ANG KAPATID MO SA SCHOOL. INGAT KAYO."

Hindi ko maiwasan na maluha. Naaawa ako kay Nanay. Mag-isa lang siyang bumubuhay sa'min ni Ana dahil iniwan na kami ni Tatay. Galit ako sa kanya! Dahil kay Tatay hirap kami sa buhay. Nabaon na kami sa utang. Hindi na rin tumigil sa Nanay sa pagtatrabaho para lang may makain kami at may pambayad sa eskwelahan.

Minsan gusto ko na lang na tumigil sa pag-aaral para tulungan si Nanay sa pagtatrabaho pero ayaw ni Nanay. Mas mabuti na raw na magkanda kuba siya sa pagkayod makapag aral lang kami ni Ana. Kaya nga nag aaral ako ng mabuti para kapag nakapagtapos ako hindi na kailangan ni Nanay magtrabaho pa.

Ginising ko na ang kapatid kong si Ana na nasa elementary na. Hindi na ako nakihati pa sa pandesal dahil mas kailangan niya kumain, kaya ko pa naman magtiis eh. After namin maligo at magbihis umalis na kami ng bahay at inihatid ko na si Ana sa school.

Pagkatapos kong ihatid si Ana ako naman ang pumasok. Pangalawang taon ko na ito sa Rosemary Academy. Isang taon na naman ng paghihirap, pagtitiis sa mga kaklase kong bulley. Karamihan kase sa mga nag-aaral dito mayayaman, konti lang kaming mga mahihirap na nakapagaral lang dahil scholar kami. Ang tingin sa'min dito walang kwenta. Sanay na din ako sa pangungutya kaya immune na kami.

Eh ano kung gusot-gusot yung uniporme ko? Ano ngayon kung tuyo at kamatis ang ulam ko? Ano ngayon kung hindi ako mabango? Mahirap lang ako pero hindi ako masamang tao, wala akong tinatapakang iba at ang gusto ko lang naman ay ang makapagtapos ng pag-aaral.

Wala akong pakialam kung ano'ng sabihin ng ibang tao. Basta ako positive lang lagi. Ika nga nila, kapag may tiyaga, may nilaga at kapag masipag, may diploma. Tama diba?

Nandito na ako ngayon sa loob ng classroom. HRM nga pala ang course ko. As usual kasama ko na naman iba sa mga kaklase ko na nagpe-pretend na hindi ako nag-e-exist. Madalas nga kapag nakikita nila ako magtatanong sila, "Are you new here?" Parang tanga lang diba?

Kung meron mang naidulot na maganda 'ton mga kaklse ko siguro ito 'yung natututo ako sa kanila mag-English. Tulad na lang ng ‘OMG I'm so pretty!’ meron ding ‘Let's go shopping girls!’ heto pa ang matindi, ‘Girls, I'm delayed. What to do?!’

I LOVE YOU, MY AMBITIOUS GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon