Ellie's
"Bagong umaga , bagong buhay , bagong pag-asa hayy ganyan nga ellie kapit lang makakaraos din tayo , ang mahalaga maganda ka " kausap ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin , dahil umaga pa lng stress na stress na ang beauty ko sa mga pisti kong katrabho . Ewan ko ba naman kasi kung bakit hanggang ngayon nagtatrabho padin kami sa bulok na kumpanyang to pati ata mga empleyado bulok na din. Hayy halos pasara na din kasi tong kumpanya na to , first job namin parehas to ni joey nung maregular kami dito sabi namin isang taon lang at magreresign kami at hahanap ng maayos ayos na trabho pero hanggang ngyon andito padin kami at hindi ko alam kung bakit ! Two years ng stress ang beauty ko sa trabho na to ! Well accounting staff nga pla ako at ang hirap ng trabho ko jusko kung alam nyo lang mga bes .
Si Angelo na lang talaga ang dahilan bakit ako kumakapit dito huhuhu pero ngyon mukang malabo na , malabo ng maging kami dahil sa gag*ng kevin na yun , sino pa ba naman kasing matinong lalaki na makukuha pang magloko after patawarin nga ilang libong beses my gawwwd! Kaya kong landiin si angelo kayang kaya kong agawin yun pero ayaw kong magkita pa ulit sila joey at kevin . Alam ko naman na nagtatapang tapang lang yung isang yun pero alam ko nasasaktan padin sya , alam ko na nahihirapan at umaasa padin sya na magiging maayos sila . At bilang isang mabuti at magandang kaibigan nya tutulungan ko syang makalimutan ang walangyang kevin na yun kahit pa isuko ko si Mr. Right ko whaaaaaaa :'( so help me God ! Sana talag . . .
Blooooogg!! Malakas na hampas ng pinto ang nagpabalik sa naglalakbay kong diwa . "Papatayin nyo ba ako sa gulat ate? " irita kong sabi sa maintenance namin . Sa lahat ng taga linis ito ata ang malakas ang sapi hindi nya ata alam ang pinagkaiba ng posisyon nming dalawa napaka walang modo talaga .
"Malay ko bang may tao dito , ang alam ko kasi alas otso ang pasok aba eh anong oras na ah!" Pabalang na sagot nya sa akin sabay irap ,"palibahasa kasi walang ibang ginawa kundi tumambay ,maglugaw sinasahuran pra magtrabaho hindi para maglugaw ,maglandi " pabulong bulong pang dagdag nya habang nagpupunas ng salamin . (aba aba sumusobra na talaga tong matandang to eh!) "Naka in na po ako kanina pa and fyi ate vilma ang trabaho mo maglinis hindi mangialam ng buhay ng may buhay!" Singhal ko skanya huh! Kala nya ahh pasalamat sya kahit papano may respeto padin ako sa matanda , (pero teka anong sabi nya ,malandi ? malandi pala huh) binuksan ko ung bag ko bago ko ipasok at sadya kong hinulog ang kornik na binili ko kanina sa labas .
"Ooops hala natapon, pakilinis na din PO huh" ngiting sabi ko sa kanya at pinagkadiinan ko ang salitang PO at tuluyan na akong lumabas ng may ngiti sa aking mga labi (bitch mode)
OFFICE. . . .
"Huy! Anong ginawa mo kay ate vilma ?" Tanong sa akin ni sofia , officemate ko na walang ibang ginawa kundi makipagchismisan .
"Ellie tara kaen na tayo " sigaw sa akin ni joey sa kabilang pinto . himala ang aga ata nito nag ayang kumain . Tanong ko sa sarili ko habang nililigpit na ang gamit ko
"maya na lang tayo magkwentuhan" baling ko kay sofia .
Tumayo na ako at pinuntahan sya, naabutan ko syang hindi maipinta ang muka habang nakatitig aa laptop nya , hindi nya ako naramdaman dahil tutok na tutok sa kung ano man ang nakikita nya laptop , dahan dahan akong lumapit at sumilip mula sa likod nya .
Anak ng . . .
"Walanju naman joey, pano ka uusad nyan kung patuloy mong titignan yang mga pictures nyo ?"
Napaigtad pa sya pagkarinig sa akin , sabay sara ng laptop . Taena namn kasi huling huli ko tinitignan na nmn nya ung album nilang dalawa hayy naku
"Akala ko ba binura mo na yan huh?!"
Patuloy ko padin sa panenermon sa kanya .
"Hindi yun ganun kadali El , sinusubukan ko naman eh , " sagot nya sa akin . Ito ang ayaw ko eh nakikita ko na naman yung sakit na yun sa mga mata nya kelan ba yan mawawala ? Napabuntong hininga na lng ako at hindi na pinahaba pa ang usapan
"halika ka na , kumain na tayo" yaya ko sa kanya . Hayyy sarap iuntog eh oh ibalik ko kaya sa kanya lahat ng sinabi nya sa akin noong ako yong broken ? Ay wag na baka mag suicide na to .
Habang naglalakad kami papuntang Mang Inasal (simpleng mamamayan lang po kasi kami) may nakita akong pamilyar na pigura . "Ay fvck sya nga " kaya bago pa man makita ni joey yun hinila ko na sya sa ibang direksyon .
"Teka kala ko ba inasal gusto mo ? Ayun oh" protesta nya . "Wag na tayo dun parang gusto ko kumain ng dinuguan bigla ako nagcrave eh masarap dinuguan sa cabalen , yun na lang tayo dali na joey please ?"
Parang batang pagpapacute ko pa haha alam ko kasi hindi nya ako matatanggihan eh at isa pa may pagkakuripot din kase to . At ang nagwagi .... walang iba kundi si pretty Ellie hahaha walang nagawa si Joey kundi magpahila na lng din sa akin .
YOU ARE READING
maybe
General FictionNaniniwala ka ba na pag mahal mo ang isang tao yung last chance nagiging unlimited chance ? Pano mo nga masasabi na tama na . Pano mo malalaman kung kakapit ka pa ba o bibitaw na ?