office . .
inaayos ko na yung mga gamit ko sa office ko , hinawakan ko ung picture sa gilid ng lamesa ko habang nagbabaliktanaw nung araw na yun . picture namin ng mga ka office mate ko namin ni ellie , marami na ding magandang alala ang ang nangyare sa maliit na kompanyang to . nakakatuwa lang isipin na kahit hindi plinano kahit napilitan natutunan ko na ding mahalin ang mga tao dito .
beep . .
~kevin~
hi babe are you ready ?-ako-
yes babe :) nagliligpit na lng ako mga gamit ko . i love you~kevin~
good ! magkita na lang tayo mamaya sa may terminal .-ako-
okay babe i love youlumipas ang ilang minuto wala padin syang reply haist naku joey tumigil ka mahal ka nya okay mahal ka nya .
kinuha ko na lahat ng mga gamit ko at nilagay sa isang box at binitbit na palabas . habang nag hihintay ng taxi paulit ulit kong iniisip kung tama nga ba itong gagawin ko , kahit sobrang gulo ng utak ko sa dami ng iniisip ko isa lang ang nanatiling malinaw sa akin ayun ay ang mahal ko si kevin at wala akong ibang gustong makasama kundi sya lang . kaya nga nung niyaya nya ako na sumama sa kanya at magtanan kami hndi na ako nagdalawang isip pumayag ako agad, bahala na kung sa huli pagsisihan ko, bahala na kung maghirap ako o magalit lahat sa akin kaibigan o pamilya ko alam ko makasarili ako naging desisyon ko pero tsaka ko na iisipin yang mga yan , ang importante sa akin ay yung ngayon . yung kaming dalawa lang. bahala na !
beep. . .
~ellie~
asan ka ba ?beep . .
~ellie~
please joey umuwe ka na . ano ka ba ? sisirain mo na naman buhay mo sa lalaki na yan ?beep . . .
~ellie~
isipin mo pamilya mo ano na lang iisipin nila ? joey please umuwe ka na .sa nanlalabong mata pinilit kong basahin lahat ng mensahe ng aking kaibigan kahit halos wala akong ibang maramdaman kundi pait at sakit . .
kringgggg ... kringggg ..... kringggg. ..
kringgg ... kringggg.... kringggg.... kringgg...sa nanlalabong mata sinubukan kong tignan kung sino at halos hindi ko na maaninag kung sino ba ang tumatawag hinayaan ko na lang mag ingay ang cellphone ko , wala akong pakealam kung pinagtitinginan na ako ng mga tao sa terminal ng bus hinayaan ko na lang lahat . hinayaan kong bumuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko lahat pait inisip ko lahat ng katangahang ginawa ko . ano bang kasalanan ko ? nagmahal lang naman ako ,bakit ang hirap hirap naman .
![](https://img.wattpad.com/cover/124343845-288-k932316.jpg)
YOU ARE READING
maybe
General FictionNaniniwala ka ba na pag mahal mo ang isang tao yung last chance nagiging unlimited chance ? Pano mo nga masasabi na tama na . Pano mo malalaman kung kakapit ka pa ba o bibitaw na ?